Doug at Chesca Kramer, inamin ang totoong estado ng kanilang pagpaplanong magkaanak muli

Ang pamilya ang siya nga namang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Dito nagsisimula ang lahat. Sa bawat pamilya, nabubuo ang pagmamahalan, kapayapaan at pagkakaisa. Kaya naman, inaasahan ang bawat pamilya na bumuo ng masaya, kumpleto at payapang pamilya.

Credit: Doug Kramer instagram

Inaasahan din sa mga magulang na maibigay nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak. Lalo na ang pangunahing pangangailangan ng mga anak na bahay, damit, pagkain at edukasyon sa kanilang mga anak. Sila ang inaasahan na magtaguyod sa kanilang pamilya lalo na sa mga anak.



Credit: Doug Kramer instagram

Isa sa mga masasabi nga namang maginhawa at masayang pamilya ay ang pamilya Kramer. Ang mag-asawang Doug at Chesca Kramer ay talaga nga namang mga responsableng mga magulang na ibinibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi lang sapat kundi sobra sobra pa.

Kaya napakaswerte talaga ng mga anak ni Doug at Chesca na sina Kendra, Scarlet, at Gavin. Kaya di maiwasan ng mga netizens na magtanong kung kailan nila dadagdagan ang kanilang mga anak.

Credit: Doug Kramer instagram

Sumagot naman si Doug at sinabing hindi daw nagtagumpay ang In Vitro Fertilization ni Chesca dahil nagpa ligate na si Chesca.

Gusto pa rin naman nilang magka anak ng mag asawang Doug at Chesca ngunit dahil sa ligation ay kailangan nilang dumaan sa ibang proseso.



Credit: Doug Kramer instagram

Ngunit ayon nga kay Doug, hindi nagtagumpay ang IVF sa ngayon.

“Sad to announce, but two failed IVFs already, the most recent one two weeks ago. But we’ll still try maybe 2 more times. If it’s the Lord’s Will, then so be it. If not, then we trust Him even more. We’re so blessed to have Kendra Scarlett and Gavin, but it hurts whenever it doesn’t push though. Especially for Chesca. An encouraging message from you guys would mean something for my wife. Keep praying for us” sambit ni Doug sa Instagram story.

Credit: Doug Kramer instagram

“We’re praying that this room will come into good use soon. Won’t hurtto prepare,” sambit naman ni Chesca.

Credit: Chesca Garcia Kramer instagram

Sa kabila ng lahat ng ito, maaaring may iba munang plano ang Diyos dito. Maaari namang dumating ang future baby ng Kramer family soon pero baka hindi pa talaga ngayon.



Ayon naman sa nga netizens ay isasama nila sa kanilang prayer na susunod ay magtatagumpay na ito.