Coleen Garcia, bongga ang birthday celebration kasama ang asawang si Billy Crawford sa Dubai

Paano nga ba natin mapaparamdam sa ating mga mahal sa buhay ang ating pagmamahal? Hindi sa materyal na bagay kundi may iba’t ibang paraan tayo ng pagpaparamdam sa kanila ng ating pagmamahal.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram



Isa na dito ay ang mga simpleng bagay na ipinapakita natin na pinapahalagahan at inaalagaaan natin sila. Ang simpleng pangangamusta, paninigurado na maayos at masaya ang lagay nila ay isang bagay nga naman talagang nakakatuwa at nakakataba ng puso.

Credit: Billy Crawford instagram

Pero syempre, kung espesyal talaga ang iyong mahal sa buhay. Isang minamahal, kasintahan o asawa ay ibang usapan iyan. Hindi na sapat ang pangangamusta lang. Dapat nga naman ay talagang makikita ang malalim at tunay na pagmamahal.

Siyempre, ang mga salita at kilos natin sa isa’t isa ay isang bagay na maaaring maipakita ang pagmamahal. Pero, isa ding paraan ay ang pagbibigay ng effort sa mga espesyal na bahagi ng kaniyang buhay.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram

Numero uno na diyan ay ang kaniyang birthday. Siyempre, ang pagbati at pagbibigay ng effort para batiin siya ay isang malaking bagay.



At iyan nga naman ang ginawa ni Billy Crawford sa kanyang partner na si Coleen Garcia.

Noong September 24 Martes ay kaarawan ni Coleen. At binati ito ni Billy. Narito ang kanyang pagbati:

Credit: Billy Crawford instagram

“To my gorgeous,sexy, kulit, loving, strong, fearless, imperfect but perfect at the same time wife, Happy happy birthday I love you till my lastbreath. God blessed all of us by giving you!” “Enjoy this day especially cause it’s your day, and I will try not to be as whiny as I normally am hehe. Key word is Try!”

Paniguradong masayang ipinagdiwang ni Coleen ang kanyang kaarawan kasama ang mahal sa buhay lalo na si Billy. Tunay nga namang maswerte si Coleen at Billy sa isa’t isa.

Credit: Coleen Garcia Crawford instagram



Kaya naman, maraming mga fans at netizens ang natutuwa dahil sa kanilang nakikita kina Billy at Coleen. Pinaabot naman ng mga netizens ang kanilang pagbati.