Arjo Atayde at Ken Chan, sobrang good vibes ang pagkikita bilang sina Elai at Boyet

Sa isang dinaluhang event ng Kapamilya star na si Arjo Atayde at Kapuso star na si Ken Chan ay masaya nilang ginampanan muli ang kanilang mga ginampanang role sa teleserye.

Si Arjo ay ginampanan ang role bilang si Elai ng ABS-CBN teleserye na “The General’s Daughter” at si Ken naman ay ginampanan ang role bilang si Boyet ng GMA teleserye na “My Special Tatay”.



Credit: Juan Carlos Atayde instagram

Ang ginampanang role ng mga aktor ay parehong may autism. Shinare ni Arjo at Ken ang parehong video sa kanilang Instagram account. Sa post ni Arjo ay sinabi niya na miss na nila ni Ken ang kanilang ginamapanang karakter kaya naisipan nilang gampanan ulit ang mga karakter na ito.


“We both missed our characters and thought it would be nice to bring them back to life to meet each other. Much freakin respect Ken! Hello from Elai and Boyet! We miss you! Thank you.”

Credit: Juan Carlos Atayde instagram



Sa post naman ni Ken ay sinabi nito na proud sila ni Arjo na magampanan ang buhay ng isang may Autism. “Isang karangalan ang isabuhay ang kwento ng isang tao na may Autism. Masaya kami ni @arjoatayde at naging bahagi kami kahit papano ng kanilang buhay. Huwag natin kalimutan na ang tanging kailangan nila ay ang pagmamahal. @arjoatayde saludo ako sayo!”

Credit: Juan Carlos Atayde instagram

Ang karakter ni Arjo Atayde na si Elai ang namaalam na sa magtatapos na teleseryeng “The General’s Daughter”. Ang teleseryeng ito ay pinagbibidahan ni Angel Locsin. Pero bago pa man magpaalam ang karakter ni Arjo ay umani siya ng mga papuri sa napakagaling niyang pagganap kay Elai sa isang episode kung saan nalaman niya na nawala ang kanyang Papang.

Credit: Juan Carlos Atayde instagram

Sa isang tweet ay nagpasalamat si Arjo sa pagmamahal at suporta na kanyang natanggap. “Your comments are overwhelming! Got emotional as I read through comments last night.. I can’t explain how much I appreciate it..

Credit: Ken Chan instagram



I love you all thank you so so so much. I am humbled and because of your love, I will not stop learning! Cheers!” Ang karakter naman ni Ken Chan na si Boyet ay galing sa palabas na “My Special Tatay”na nagwakas noong Marso nitong taon. Sa isang interview kay Ken ay sinabi niyang ang pag portray niya kay Boyet ang isa sa mga pinaka challenging na role na kanyang ginampanan.