Anak ni Pokwang na si Malia, sobrang nag-enjoy sa tinola na niluto para sa kanya na talaga namang nagpatunay na di sya mapili sa pagkain

Sa isang Instagram video na pinost ni Pokwang, ipinakita niya kung gaano kagana kumain ang kanyang cute na cute na 1 year old baby girl na si Malia. Mapapansin sa video na siya na mismo ang nagsusub0 ng pagkain sa sarili ng inihandang Tinola para sa kanya. Sarap na sarap din siyang humigop ng sabaw ng Tinola na hindi na rin niya pinapansin ang nakain niyang luya.

Credit: @itspokwang27 instagram



“grabe sya kumain diba???? tinola with malunggay may pa beautiful eyes pa e….. dedma pa sa luya!! Ito talaga ang totoong batang may laban at gana kid hahaahaha bawal sa kanya mapili sa food….”


Marami ang natuwa kay Baby Malia dahil sa gana nitong kumain.

” papakita ko ito sa mga pamangkin ko’ng ayaw sa gulay!!! Saya, sobra!!! ”

Credit: @itspokwang27 instagram

” Walang pili sa pagkain kahit gulay waaa inday malia sana ka gaya din anakis ko sau. Super lovelove cutie ?

” sarap panuorin ni malia. ? Yang tinola lang talaga din kinakain ng pamangkin ko na lebanese… Kaya yan lagi ko luto para xa makakain ♥️



Credit: @itspokwang27 instagram

“eto ang tisay na bata na mahilig kumain ng lutong probinsya ? sana lahat ng bata kasing gana nyang kumain ??

Pati ang batikang aktres na si Coney Reyes ay natuwa at nagkomento sa post ni Pokwang.

“sarap pakainin ng batang yan! Nakakagigil! ???

Credit: @itspokwang27 instagram

May mga netizens din na pumuri sa pagluto ni Pokwang kaya sarap na sarap kumain si baby Malia.

“masarap ka kasi magluto ms.pokwang kaya sarap ding kumain ni malia..wish ko lang po matikman din luto mo ???

Credit: Malia O’Brian instagram

“masarap kasi magluto si mamang @itspokwang27”



Talaga nga naman napaka palad ni Pokwang sa kanyang anak na si Baby Malia. Hindi lang siya cute kundi ito siya ay napakatalented at hindi mapili sa pagkain. Maraming magulang ang talagang humahanga kay Pokwang at kay baby Malia.