Mag-asawa, di nawawalan ng pag-asang magka-anak ng babae kahit13 na ang kanilang mga supling

Isa nga naman ang isyu ng over population, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo. Bawat taon, ang populasyon ay patuloy na lumolobo. Kung kaya’t isa sa mga kampanya ng ating gobyerno at sa ibang bansa ay ang family planning upang masolusyonan ang nasabing isyu.

Ngunit iba ang kwento ng isang pamilya mula sa Concei ao de Coit, Brazil.
Ang mag-asawang sina Irineu Cruz, 40 years old na magsasaka at si Jucicleide Silva ay hindi tumigil sa pag-aanak sa loob ng 20 taon hanggat di nagkakaroon ng anak na babae.



Credit: Mirror/Caters

Sa kanilang panganay na anak, nagkasundo ang mag-asawa na ang ama ang magpapangalan kapag ito ay lalaki habang ang ina naman kapag babae. Umabot ng labing tatlong anak ang dumating, at puro ang ama lamang ang nagpangalan sa anak dahil puro lalaki ang lahat.

Sa ika labing tatlong ay umasa sila na babae na ito, ngunit hindi pa rin at panibagong lalake ito.

Credit: Mirror/Caters

“I’VE ALWAYS ADMIRED PLAYERS LIKE RIVALDO, ROBERTO CARLOS, RONALDINHO AND ROBINHO, ALL THE BEST FOOTBALLERS SEEMED TO HAVE A NAME BEGINNING WITH R, SO AS MORE AND MORE BOYS CAME ALONG, I DECIDED TO CELEBRATE SOUTH AMERICAN FOOTBALL BY NAMING MY SONS AFTER THE PLAYERS I LIKED,” sambit ng ama.

Credit: Mirror/Caters



Ang bunso na halos kakapanganak pa lamang ay si Ronaldo kasama ng kanyang mga kuya na sina Robson (18), Reinan (17), Rauan (15), Rubens (14), Rivaldo (13), Ruan (12), Ramon (10), Rincon (9), Riquelme (7), Ramires (5), Railson (3) at Rafael (2).

Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“Never give up till you get what you prayed for…. the woman is very strong. May God remember them before they fail to raise the available children.”

Credit: Mirror/Caters

“13 children are enough for them to stop bearing more children instead start enjoying the fruits that God has already given them.”



Credit: Mirror/Caters