Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, nakitang magkasamang nanuod ng isang musical na ikinakilig na kanilang mga fans

Kilalang kilala ang mga Pinoy love teams mula noon hanggang ngayon sa mundo ng showbiz. Iyan ang mga laging bumibida at sinusundan sa mga teleserye at pelikula.

Kung ngayon ay may Lizquen, Kathniel at Jadine, noon ay hindi matatawaran ang mga pelikula ng tambalang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Mula sa mga pelikulang One More Chance at nagka sequel pa na Second Chance, sino ang hindi makakalimot sa mga hugot lines ni Popoy at Basha?



Source: johnlloydcruztm instagram

Nandiyan pa ang ibang mga pelikula gaya ng Now That I Have You, Close To You, Dreamboy at The Mistress. Andiyan pa ang mga teleserye kagaya ng Maging Sino Ka Man na inabangan at sinundan ng mga Pinoy fans.

Source: johnlloydcruztm instagram

Matapos ang matagal na panahon, kamakailan lang ay nakita si Bea at John Lloyd na magkasamang nanood ng musical na Himala: Isang Musikal,’ at the Power Mac Center Spotlight in Makati City.

 

View this post on Instagram

 

Watching HIMALA, the Musicale with @beaalonzo My heart is so happy

A post shared by Sueanne (@beaianofficial_mellemomsie705) on


Marami ang natuwa dito at mayroon pang mga IG post ukol dito.

Source: beaianofficial_mellemomsie705 instagram

“Reposted from @lloydiebeaforever (@get_regrann) – “May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” – John Lloyd Cruz, My Amnesia Girl
Ps. Wag niyong bigyan ng meaning, kailangan ako lang 😂,” sambit ng IG post.



Source: beaianofficial_mellemomsie705 instagram

Matatandaang magkaibigan ang dalawang ito noon pa man hanggang ngayon. Kaya, maraming mga netizens ang natuwa dito:

“Kaya siguro tayo iniiwan ng mga taong mahal natin Kasi baka merong darating na mas okay.. na mas mamahalin tayo.. yung taong hindi tayo sa$aktan at paasahin, yung nag iisang tao na magtatama ng mali sa buhay natin… ng lahat ng mali sa buhay mo…” yang kataga na yan babalik sa inyo yan..lt@ga mo sa bato.. s@pul sa inyo.!! pak ganern!… sana kayo na lang!… who knows… bka kayo ang itinadhana… life goes on!
love you jlc!😊😊😄😄

Source: beaianofficial_mellemomsie705 instagram

“Isa sila mga taong masasabi mong “pinagtagpo, pero hindi tinadhana” 😁😂🤣 literal!!! Gustong gusto ko sanang maging sila, pero gaya ng sabi nila sa mga interviews, they are just friends 😁😁😁

“Wag n lang cguru. Mas bagay kay bea ang non showbiz guy n executive s company n tlgang magmamahal s kanya n sya lang tlga. A”

Source: beaianofficial_mellemomsie705 instagram



“bakit kc naman john lloyd dipa kayo kc ni bea e! napakaganda naman ni bea anu ba wala sa kanya at dimo makita naman.”

“Popoy at basha nga db? Who knows bka ung one more chance is mauwi sa forever…sabi nga ni popoy forever and ever”