Baby Malia, sobrang galing na magselfie habang pinapanood ng kanyang nanay na si Pokwang

Kilala ang ating henerasyon bilang isang “selfie generation”. Lahat nga naman ay talagang mahilig mag selfie. Selfie dito, selfie doon. San man magpunta, pasyalan man o sadyang trip mo lang, ay talaga nga namang hindi mauubusan ng selfies ang mga netizens.

Kaya naman, kung mag scroll ka sa social media, Twitter, Facebook man o IG ay punong puno nga naman ng kanya kanyang anggulo sa kanilang mga selfie.



Credit: @itspokwang27 instagram

Nauso din naman ang iba’t ibang mga filter na nagpapaganda sa ating mga selfies. Bawat selfies ay may iba’t ibang kwento kung ano nga ba ang nilalaman ng selfie na ito.

Hindi na nga lang selfie na nagiisa ang nauuso ngayon. Maging ang terminong groufie ay nauso na din dahil maaari mo ding makasama ang iyong barkada at pamilya sa iyong selfie.

Credit: @itspokwang27 instagram

Sa IG ni Pokwang, ay makikita ang nakakatuwang video ng kanyang napaka cute na anak na si Baby Malia.

Makikita sa video ni Malia na talaga namang napakabibo talaga niya at natutuwa ang lahat sa kanya. May kinuha si Baby na kulay blue na parang cellphone case. Maririnig sa video na tila may nagsasabing mag selfie daw si Baby Malia.

 

View this post on Instagram

 

Selfie selfie….. 📲📸

A post shared by Mayette (@itspokwang27) on


Todo pose naman itong si Baby Malia at akala mo’y nagseselfie talaga siya. Tuwang tuwa si Malia sa kanyang ginagawa.



Credit: @itspokwang27 instagram

Maging ang kanyang ina na si Pokwang ay tuwang tuwa din sa kanya.

Marami ding netizens ang natuwa kay Baby Malia. Bibong bibo nga naman daw talaga itong si Baby Malia ani ng mga netizens.

Credit: Malia O’Brian Instagram

Makikita talaga na sobrang hands on mom talaga ni Pokwang sa kanyang baby. Hindi nga yata mawala sa mga mata ni Mommy Pokwang ang kanyang anak na si Baby Malia. Ganyan nga naman siya kahands on na ina.

Credit: Malia O’Brian Instagram



Kaya naman, masuwerte si Baby Malia sa kanyang ina na talagang laging tutok sa kanya. Mabait, masipag at mapagmahal, manang mana panigurado si Baby Malia sa kanya