Ogie Alcasid, napaka-espesyal ang naging regalo sa kanyang anak na nagdiwang ng kaarawan

Ano nga ba ang ideal birthday mo? Marami sa atin ang maraming ninanais sa ating kaarawan. Ang iba’y nais ang isang magarbong selebrasyon, masasarap na pagkain, maraming bisita, mga mamahaling regalo, magarang kasuotan at sapatos, na may kasamang¬†nakakaindak na lights and sounds.

Habang ang iba naman ay gusto ng simple lamang, basta’t kasama ang kanilang pamilya at barkada. Anuman ang handa, pagkain o regalo. Meron man o wala, masaya na sila.



Credit: Ogie Alcasid Instagram

Sa iba naman, ay may mas personal silang kahilingan sa kaarawan at may rason sila dito. Ngunit, kahit ano pa man ang iyong hiling, mas nakakatuwa na makatanggap ng di inaasahan sa iyong kaarawan.

Ano kaya ang mararamdaman mo kung sa iyong kaarawan ay reregaluhan ka ng isang kotse?

Hindi ba’t maglululundag ka na lang sa tuwa. Iyan nga naman ang naramdaman ni Sarah Alcasid nang matanggap niya ang regalong sasakyan mula sa kanyang ama na si Ogie Alcasid.

Credit: Ogie Alcasid Instagram

“Happy bday my dear baby girl! Be safe driving God bless you and I love you so much!!! @sarahalcasid,” sambit ni Ogie aa kanyang IG.



Masayang masaya si Sarah at syempre mas doble ang kasiyahan ni Ogie dahil nakita niyang masaya ang kanyang anak. sa kanyang handog para sa kaarawan ng dalaga.

Credit: Ogie Alcasid Instagram

Sobrang blessed nga naman talaga ni Sarah sa kanyang ama. Paniguradong lahat ay ibimibigay ni Ogie sa anak mula sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.

Napakasweet nga naman ng mensahe at ng mismong picture na ipinost ni Ogie sa IG kasama ng kanyang anak. Siguradong ieenjoy ni Sarah ang kanyang bagong sasakyan.

Credit: Ogie Alcasid Instagram



Samantala, masayang masaya naman ang mga netizens at binati si Sarah. May mga nagsabi pa na sana lahat ay makakatanggap din ng kaparehong regalo.

Sa huli, ang mahalaga ay ang pag-iingat lamang ang manguna upang maging ligtas sa pagmamaneho.