Seth Fedelin, ibinahagi ang kasiyahan dahil ang dating pinapangarap lamang nya ay nagkaroon na ng katuparan ngayon

Dumating na ang panahon kung saan wala ng 100-araw bago mag pasko. Kumalat pa nga ang iba’t ibang memes ukol kay Mr. Jose Mari Chan. Syempre, ramdam na ang paparating na diwa ng kapaskuhan. Maging ang mga dekorasyon gaya ng Christmas Tree ay unti unti nang itinatayo.

Iyan ang pangarap na magkaroon na isiniwalat ni Seth Fedelin, aktor sa Kadenang Ginto na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.




“Dati pangarap ko lang na magkaron ng ganitong Christmas Tree. Sana maging masaya tayong lahat ngayong darating na kapaskuhan,” saad ni Seth.

Nakakatuwa na may mga ganitong tao na may simpleng pangarap at dahil sa showbiz ay naaabot na nila ang kanilang mga pangarap.

Credit: Seth Fedelin Instagram

Hindi lang naman Christmas tree ang naaabot na pangarap ni Seth. Nagtagumpay din si Seth sa kanyang pag-aartista na nakatulong sa kanilang upang makaahon sa buhay.

Kaya naman, talagang sumali si Seth sa Pinoy Big Brother upang maabot ang pangarap na mag-artista at magkaroon ng magandang buhay.

Credit: Seth Fedelin Instagram

Hindi man pinalad si Seth na manalo sa PBB, mapalad pa rin siya dahil sa mga oportunidad na kanyang natatamo ngayon.

Kaya naman, narito ang mga komento ng mga netizens na humanga kay Seth at pinayuhan na manatili sa kinaroroonan niya ngayon.



“It’s bcoz you work hard for it, and GOD is watching and guiding you!
Keep up the good work dear, stay blessed”

Credit: Seth Fedelin Instagram

“Basta mabait na tao at laging nakatapak sa baba plagi itinataas ng Panginoon yan, stay foot on the ground Seth Fedelin god bless you more…”

“Ang tnda ko…sumali cxa sa pbb pra mag artista tlga?! Nkalimutan ko exact na cnbi nya e. Bsta gsto nya pmasok sa showbiz. Deserve namn ni seth. Natural cxa umarte. May future tlga cxa…sna d cxa mgbgo. Muka cxang maangas mgsalita pero d cxa myabang. Prang ung character nya sa KG.”

Credit: Seth Fedelin Instagram

“Lagi kng mag pakababa seth iaangat k ng panginoon lagi kng mabait mapag mahal sa magulang lahat ng biyaya ibibigay sayo”

“Seth huag Tataas ang yong ere..stay humble at huag kalimutan ang pinanggalingan..I like you sa kadenang ginto..”



Credit: Seth Fedelin Instagram

“Kaya hnd talaga kailangan maging big winner ka basta may talent ka talaga”