Netizens, nagbuhos ng suporta at paghanga sa batang nagtitinda ng tinapa para pambili ng gamot ng kanyang tatay at dagdag baon sa eskwelahan

Lumolobo ang gastusin habang wala namang nadadag sa kinikita o sa income mo buwan buwan.. Ganyan nga naman kahirap ang buhay sa ating bansa. Paano pa kung wala kang mga magulang o may sakit sila? Bilang isang bata, hindi mo nga naman talaga alam kung ano ang pwede mong gawin.

Isang netizen ang nagpost sa kanyang Facebook at ikinukwento ang nakita nilang bata sa Jollibee Pateros.



Credit: Jewel Rashia Facebook

Nagtitinda ang bata na si Lance ng tinapa para matustusan ang kanyang pag-aaral. Nagiikot siya at kahit mapalayo ay hindi niya alintana, ang mahalaga ay maubos niya ang kanyang tinda.

” kumakain kami sa may Jollibee Pateros tapos sabi ni nanay (may nakita sa baba mula sa view sa taas) nak tignan mo yung bata oh nagtitinda ng tinapa tapos kayo puro hingi lang ng pera.

After few minutes umakyat yung bata tapos sakto tabi ng hagdan puwesto namin. Paglapit pa lang ng bata ang galing ng speech nya kung paano niya inintroduce yung tinda nya kala mo nasa commercial eh,” sambit ng post.

Credit: Jewel Rashia Facebook



“Habang pumipili nanay ko ng tinda niya ininterview nya muna. Lance pala pangalan nya, taga gawad kalinga sa sta. ana. Wala na syang mama nama+ay na tapos yung papa naman nya may sak!t. Tinanong namen sino nagpapaaral sa kanya sabi nya tita nya daw. Nagtitinda sya ng tinapa at daing para may pambili ng gamot sa papa nya pati pambaon nya sa school.

Credit: Jewel Rashia Facebook

Kahit na mabigat yung dala niya tinitiis nya, kahit malayo mapuntahan nya basta maubos lang daw niya lahat ng tinda nya. Makikita mo talaga sa bata na pursigidong mag-aral, makatulong sa pamilya kahit na sa ganyang edad pa lang siya,” dagdag pa ng post..

Narito pa ang mensahe ng netizen kay Lance,

“Hi Lance! kung makakarating man to sayo, napaka swerte ng papa mo at meron siyang masipag at mapagmahal na anak kagaya mo 😃 Kaya sa ibang kabataan dyan maging aral sana to sa inyo na hindi madali ang buhay, hindi madaling kumita ng pera kaya wag lang kayo puro “ma/pa penge pera” sa magulang nyo matuto din kayong dumiskarte dahil hindi niyo alam yung paghihirap ng magulang natin mabigyan lang tayo ng magandang buhay 💟ps: kung pwede bumili na po kayo sa kanya malaking tulong na po yon panggastos nila 🙂



Samantala, maraming mga netizens ang pumuri at nabilib sa bata.