Cristine Reyes at anak na si Amarah, humakot ng magandang reaksiyon dahil sa kanilang twinning outfit na talaga namang nagpahanga sa mga netizens

Naging matunog nga naman talaga sa social media ang ABS CBN Kapamilya Ball. Kahit san ka mang wall o news feed, Fb man twitter o IG, ay talagang trending at numero unong paksa ng usapan ang Kapamilya Ball.

Mula sa kanilang mga suot na gowns at barong, mga tambalang kasama at pumunta sa ball at maging ang mga hindi sumipot dito ay talaga namang pinagusapan. Lahat na nga yata ay updated sa ball na ito.



Credit: cristinereyes instagram

Kaya naman, hindi ka ba mapapalingon kung ang makikita mo ay ang ganda ni Ms. Cristine Reyes? At mas mapapalingon ka talaga dahil sa kanyang kasama na mini me, walang iba kundi ang kanyang anak na si Amarah.

Credit: cristinereyes instagram

Twinning kung tawagin ang suot ni Cristine at ng kanyang anak na si Amarah. Kulay gold na terno nga naman talaga ang mother and daughter. Elegante talaga ang suot at bagay na bagay kay Cristine habang cute na cute naman si Amarah sa kanyang suot.


“LOOK: Nang Ngumiti Ang Langit star Cristine Reyes walks the red carpet with daughter Amarah. #ABSCBNBall2019,” saad ng ABS CBN page.



Ang mga gown na ito ay disenyo ni Neric Beltran. Ang dami nga naman talagang nagandahan at kapansin pansin naman talaga ang ganda ng mga gowns nilang suot.


“Cristine Reyes with her daughter, Amarah, looking exquisite in their Neric Beltran ensemble gowns! Tune in now on the #MetroChannel for the Red Carpet Live Coverage of The ABS-CBN Ball 2019!#METROxABSCBNBall2019 #ABSCBNBall2019,” saad ng Metro.

Credit: cristinereyes instagram

Narito naman ang mga komento ng paghanga na nagandahan din sa gown at nacute-an sa mag-ina.

“The best gown for me in all the attendees of the ball, kahit iyong bata ganda.”

“now this one has a Hollywood vibe.”

Credit: cristinereyes instagram



“Indeed. She does all the nail. She nailed it! Gorgeous as always!”

“both Best in Gown and i love the color…”