Ang maganda at matalinong anak ni Jestoni Alarcon, sinundan ang yapak ng ama sa pag-aartista

Ang mga batikang aktor ay talaga nga namang hindi mabubura sa isipan ng mga Pinoy. Lalo na kung idol nila ito ay talagang gustong gusto at inaabangan pa ang mga programa o mga pelikula nila.

Ang iba’y memoryado pa nga ang mga pelikula ng kanilang mga idolo. Bata man o matanda, kapag idolo mo ang aktor ay talagang susundan mo ang kanilang karera sa showbiz.



Credit: Angela Alarcon Instagram

Kung pelikulang Pinoy din naman ang pag-uusapan, matagal na nga namang kilala si Jestoni Alarcon. Sa kanyang galing sa pag-arte ay di nakapagtataka na may makakapagmana ng galing at gilas na ito.

Ang anak ni Jestoni na si Angela Alarcon ay nakapagtapos na sa kolehiyo. Siya ay nagtapos sa University of the Philippines Diliman sa kursong speech communication.

Credit: Angela Alarcon Instagram

Masasabi mo nga namang magaling at matalino itong anak ni Jestoni at nakakabilib si Angela.

Credit: Angela Alarcon Instagram

“Sooo ya bish just graduated Just wanna share with you all what went down on this very special day. Maraming salamat at paalam, UP!,” sambit ni Angela sa isa sa kanyang mga posts.

Pero di lang puro aral itong si Angela. Napaka sporty din naman pala ni Angela at bahagi din siya sa Teakw0ndo Team sa UP noong kolehiyo.

Credit: Angela Alarcon Instagram

Siya ay naglalaro ng boxing, basketball at volleyball. Sumali din si Angela sa Bottle Cap Challenge sa pamamagitan ng iba’t ibang Taekw0ndo kicks.



Ngayon naman, maging ang mundo ng showbiz ay pinasok na ni Angela. Di na nakapagtataka ito dahil napakagaling ni Angela at manang mana talaga ito sa kanyang mga magulang.

Credit: Angela Alarcon Instagram

Siya ay lalabas sa paparating na series ng GMA na “Beautiful Justice”, na nagsimula noong September 9.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens ukol dito:

“GANDa naman ng anak ng idol kong aksyon star.”

Credit: Angela Alarcon Instagram

“Mabuti sa gma ipinasok si angela alarcon dahil sa kapuso galing ang kanyang dady jestoni. Thats enterten mennt”

Credit: Angela Alarcon Instagram



“ISA C JESTONI ALARCON SA FOCUS PROFESSIONAL AT HINDI PA SHOWBIZ NA TAO.. HE’S FAMILY ORIENTED TLGA PANG LEADING MAN TLGA..”

“ganda ng anak ni jestoni kamukha nya.”