2nd placer sa LET exams, ipinasilip ang kanyang bagong bahay na nagbigay inspirasyon sa mga nag-aasam na umasenso sa buhay

Lahat nga naman tayo ay may pangarap. Bawat pangarap ay may kalakip na pasakit at pagsubok bago maabot ito. Pero, kapag naabot mo na nga naman ito ay talagang masaya at magiging tiwasay na ang iyong pamumuhay.

Kagaya na lamang ng isang Topnotcher sa Licensure Examinations for Teachers (LET) Exams na si Iah Seraspi. Noong 2015 ay nasungkit niya ang Top 2 sa LET exams dahil sa kanyang anking galing at sipag.



Credit: Iah Seraspi Facebook

Bilang isang anak ng mangingisda ay mahirap nga naman talaga silang mamuhay. Nakapasa siya noon sa UPCAT, entrance exam ng University of the Philippines. Pero, dahil sa h!rap ng buhay ay mas pinili ni Iah na magaral sa eskwelahan malapit sa kanila.

Sa tulong ng Esquejos family ng Looc, nakapagtapos siya ng pag-aaral bilang Cùm Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education (BSED) major in Biological Science.

Credit: Iah Seraspi Facebook

Nakakuha siya ng 90% score sa LET at nakuha nga ang Top 2. Ginamit pa nya ang prize money niya para makabili ng projector ng kanilang simbahan.

At ngayon, ay matagumpay na siya matapos din siyang kunin ng review center kung saan siya nag review noon.

Credit: Iah Seraspi Facebook

Kung dati ay bahay kubo lamang ang kanilang bahay, ngayon napakaganda na nito at naipatayo ito ni Iah dahil sa kanyang sipag at tiyaga.

Ikinuwento pa ni Iah sa kanyang post ang kanyang karansan at kung paano niya ito hinarap.

Credit: Iah Seraspi Facebook



“My endless gratitude to Sir Carl Balita for seeing and believing in my potential. Salamat po sa words of wisdom niyo Sir and for motivating me always that I can be one with my dreams. Sa buong CBRC family, I’m sharing this joy with you. Kayo po ang naging sandalan ko. Sa lahat ng Eagles na nagtiwala at nagtitiwala sa CBRC, part po kayo ng meron kami ngayon.The dreamer is now one with her dreams.,” saad ni Iah.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens na humanga sa kanya:

“Yan ang anak. …masuwerte parents mo sau. …inuna mo cla above all things. …God bless u more”

Credit: Iah Seraspi Facebook

Congrats….swerti mga parents mo sayo..god bless you at sa family mo….Magaling po talaga siya . Isa siya sa mga naging lecturer namin nong review 😊😊

“Inspiring story bilang mabuting anak na may pangarap.. inspiring totoo yan narasan ko rin yan pro ngyun my wrk na ko nd kona ba balikan ang sobrang hirap ng buhay”

Credit: Iah Seraspi Facebook

“Pinagpala talaga ung mga bata n nag umpisa at nKikita ung hirap ng magulang,pero ung mga anak nakikita lng ang kulang ng serbisyo ng magulang ang alam tingnan nyo wla din,congrats



Congratulations sayo.patunay na kapag meron pangarap at sasabayan ng pagsisikap sigurado magtatagumpay..”