Jessy Mendiola, inamin ang totoong dahilan kung bakit di sila nakadalo ni Luis Manzano sa Star Magic Ball

Excited ang lahat na makita ang kanilang paboritong artista sa taunang ABS-CBN Star Magic Ball ngunit ngayong taon, hindi masisilayan ng mga fans sila Jessy Mendiola at Luis Manzano na maglakad sa red carpet.

Credit: Jessy Mendiola Instagram

Ayon sa interview ng ABS-CBN News kay Jessy Mendiola, hindi makakarating ang dalawa dahil sa ama ni Luis Manzano na si Edu Manzano.



Credit: Edu Manzano Instagram

“Hindi ako pupunta, sayang. Birthday kasi ni Tito Edu and we’ve planned something else. Kaya ayon, hindi kami makakadalo ni Luis.”

“We’re very thankful na every year naman, as always, lagi kaming invited,” she added. “For now, we’ll rest it out muna and celebrate ‘yung birthday ni Tito Edu.”

Credit: Edu Manzano Instagram

Si Edu Manzano ay nagdiriwang ng kanyang ika-64 na kaarawan. Hindi naman ni-reveal ni Jessy kung saan sila magdiriwang ng karaawan ni Edu. Kamakailan lang ay binigyan ng sorpresang regalo ni Luis at Jessy si Edu.

Ang regalo nila ay litrato ni Luis at Edu na ipininta ng pintor na si Mark Rocha Padernal. Sa isang Instagram post, pinasalamatan ni Edu ang magkasintahan.

Credit: Edu Manzano Instagram

“My son just surprised me w/ an early birthday gift. Seeing that I enjoy art he commissioned a portrait of the two of us. This is one of the best gifts I’ve ever gotten in my lifetime! I love it! Thanks @luckymanzano @senorita_jessy Thanks too to the artist Mark Rocha Padernal. #goodvibesonly #lovemyfamily #imtheluckyone”

Pinarating naman ni Luis ang kanyang pagbati para sa ama sa kanyang social media page. “Happy birthday to the best daddyo there is!! I love you! See you later birthday boy @realedumanzano !”



Credit: Luis Manzano Instagram

Simula 2016 ay dumadalo na ng magkasama ang magkasintahang Luis at Jessy sa Star Magic Ball. Noong 2016 Star Magic Ball din ginawang official ng dalawa ang pagiging magkasintahan.

Ating balikan ang Star Magic Ball red carpet look ng magkasintahang Jessy Mendiola at Luis Manzano.

2016

 

View this post on Instagram

 

Jessy Mendiola and Luis Manzano arrive together at #StarMagicBall2016!

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

2017

 

View this post on Instagram

 

Jessy and Luis wins OPPO couple of the night #StarMagicBall2017

A post shared by Star Magic (@starmagicphils) on




2018