Bus na ginawang library, babyahe na sa ilang paaralan para makatulong sa mga kabataang gustong makapagbasa

Sa kabila ng lahat ng modernisasyon at ng pag-usbong ng teknolohiya, iba pa din ang naidudulot ng libro sa atin. Napakahalaga ng libro bilang daluyan ng kaalaman sa atin. Bata man o matanda, ang pagbabasa ay nakatutulong upang mapalawig at mapalalimย ang ating kaalaman.

Kahit pa nandiyan na ang internet at ang mga computers, mahalaga pa din ang mismong pagbabasa ng mga hard copy ng mga libro dahil nababawasan din ang distractions sa pagbabasa lalo na sa mga bata.



Credit: Philippine Star Facebook

Ngunit tila nababawasan na ang hilig sa pagbabasa ng mga bata dahil na rin sa pagkahumaling sa mga gadgets. Mas gusto na ng mga bata ang instant at mabilis na access sa impormasyon. Ngunit, iba pa din ang pagbabasa dahil natututo din tayo sa pagtitiyaga at ang proseso ng pagkakatuto.

Kaya naman, ang mga inobatibong proyekto ukol sa pagbabasa ng mga libro ay kailangang pangunahan sa atin. Isang proyekto ang pinangunahan ng Five Star Bus Company ang ‘LIBRARY ON WHEELS’.

Credit: Philippine Star Facebook

Ginawa kasi nilang isang mobile library na umiikot sa iba’t ibang lugar ang kanilang isang lumang bus. Creative at innovative nga naman talaga ito dahil komportableng makakapagbasa ang mga bata at ang mismong bus pa ang lalapit sa kanila dahil sa pag-iikot nito.

Adbokasiya nga naman ng Five Star Bus Company na maimpluwensyahan ang mga bata na maengganyo sa pagbabasa ng libro.

Credit: Philippine Star Facebook

“LOOK: A bus company converted their old bus to a mobile library in a bid to promote reading proficiency among youth.



Five Star Bus Company said the bus will roam around different schools in the country to encourage children to read. (Photos courtesy of Five Star Bus Company/Facebook),” sambit ng caption ng post.

Marami namang mga netizens ang natuwa at humihiling na sana ay makarating ang bus na ito sa kanila. Narito ang kanilang mga komento:

“panu makakasakay sa bus na yan.dapat makapunta d2 sa barangay namin..๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Credit: Philippine Star Facebook

“Hopefully, makarating sila sa lugar na mga liblib na may mga kabataan at mag-aaral na walang access sa library man lang!๐Ÿ™๐Ÿ™๐Ÿ™ย #GoodJobFiveStar!
#Salute!
#Reading



“Good job, Five Star!”