Doug Kramer, sobra ang saya kasama ang mga anak habang nakikipaglaro sa kanilang napakaganda at napakalaking playground at swimming pool

Marami na nga naman ngayon sa mga bata ang talagang nahuhumaling sa mga online games. Isa na dito ang tinatawag na mobile legends. Kanya kanya ng hero ang gamit at talagang ninanais lang nila na marinig ang salitang victory.

Yan na nga naman ang ninanais ng lahat. Pindot dito pindot doon. Walang pagod na pag pindot at pagmaniobra ng cellphone o kahit anumang gadget ang nagiging libangan ng mga bata.



Credit: Doug Kramer instagram

Tila nakakalimutan na ng mga bata ang mga laro at mga outdoor games. Maging ang mga playground na dating hilig ng mga bata ay di na rin talaga dinudum0g ngayon. Kaya, dapat lang sa mga bata na matuto at malaman ang mga outdoor games.

Credit: Doug Kramer instagram



Kagaya na lamang ni Doug Kramer. Sa kanyang IG post, makikita na siya ay tuwang tuwa dahil napaka ganda ng panahon , at pwede silang maglaro sa labas.


“So happy it didn’t rain today, kids were able to play outdoors, then I decided I should throw all the kids in the pool! Decided to jump in too! 😂 Super love the afternoon sun here, gets us all in great mood! 🌞,” sambit ni Doug sa kanyang IG.

Credit: Doug Kramer instagram

Buti na lang at nakisama ang panahon kina Doug at sa kanyang mga anak kaya enjoy na enjoy sila sa playground. Matapos nito, nagswimming pa sila sa kanilang napakaganda at napalaking swimming pool na merong magandang tanawin. Talaga nga namang ang ganda ng istilo at disenyo ng kanilang pool.

Hindi na rin napigilan ni Doug na sumali. Kaya, tumalon na siya sa pool at sinamahan na ang kaniyang mga anak sa pagswimming. Enjoy na enjoy sila at mas nalalapit sila sa isa’t isa

Credit: Doug Kramer instagram



Iba pa din nga talaga ang mga outdoor games. Mas magigising malakas at masigla ka dahil dito. Pati na rin ang koneksyon ay lumalawawak na rin dahil sa mga nakakasama at nakakalaro nila.