Dimples Romana, sobrang laki ng pasasalamat dahil natapos na rin ang ika-sampu nyang property na isang malaking commercial building

Talaga nga namang kilalang kilala na ngayon ang napakagandang babae na nakasuot na pulang dress at may dala dalang maleta. Kung dati ay may isang destinasyon lang siya na pinaglalakaran, ngayon ay kung saan saan na siya napunta dahil sa mga iba’t ibang memes na nagsulputan sa kanya.

Credit: Dimples Romana Instagram

Siya si Daniela ng Kadenang Ginto o si Dimples Romana sa totoong buhay. Saan man siya dalhin ng kanyang maleta, ang mahalaga ay dinala siya sa rurok ng tagumpay. Sa gitna ng tagumpay, ay ang pagdagsa ng mga pagpapala, pinansyal man o sa ibang paraan.



At talaga namang sumikat sa social media, hindi lamang si Daniela kundi mismong si Dimples dahil sa kanyang kagalingan.

Credit: Dimples Romana Instagram

Iisipin mo bang napagawa na at na-bless na ang ika sampung property ni Dimples at ng kanyang asawa. Napakablessed nga naman talaga ni Dimples at talagang patuloy ang buhos ng pagpapala sa kanya.

Credit: Dimples Romana Instagram

“Flex ko lang Family ko Guys and our newest blessing 100 percent pinagdasal, pinagtrabahuhan, pinaghirapan That’s our Parish Priest Father Glenn Maga, who graciously blessed our 10th property (and yes I say that with much pride and humility) a three storey building in the Paranaque area in between where we leave close to c5 extension and roads heading to the airports,” kwento ni Dimples.

Ayon pa kay Dimples, ito ang pinakaunang commercial property ni Dimples at ng asawa dahil mayroon na silang 2 condo at 4 na bahay. Mayroon pa silang beachfront property. Pero ito pa lang talaga ang property na pang negosyo talaga.

Credit: Dimples Romana Instagram



“Una naming commercial property investment ito ng mahal kong asawa @boyetahmee we previously invested in 2 condos, 4 homes (including the home we gave my mama) , a beachfront property in El Nido, a farm and vacation home in Alfonso, a mango and avocado farm in Calaca, lahat ng ito sinimulan namin 16 years ago, nung bago pa lang kaming mag asawa,” sambit pa ni Dimples.

Nagpapakita lamang nito na ang sipag, tiyaga at pagsusumikap ay may naibubungang magandang resulta.

Kaya, bilib na bilib ang mga netizens. Narito ang kanilang mga komento:

“Aba iba talaga si dani girl, yayamanin. Happy for you 😘😘

Credit: Dimples Romana Instagram

“Ayan ba ung commercial bldg.na ginagamit ni romina na bagong bldg.nya sa kadenang ginto”



“Marunong mag invest ng kinikita niya masinop.”