Anak ni Pokwang na si Malia, binitawan ang kutsara’t tinidor at nagsimulang magkamay dahil sa napasarap sya sa kanyang kinakain

Tatak na nga naman sa ating mga Pinoy ang kultura ng paggamit ng kamay sa pagkain. Mayaman man o mahirap, talaga nga namang hindi maikakaila na lahat ay marunong mag kamay.

Mas masarap nga naman daw talaga ang magkamay lalo na kung isda ang ulam. Hindi na nga naman ito sagabal at mas mananamnam mo ang pagkain dahil sa pagkakamay.



Credit: @itspokwang27 instagram

Bahagi na ng kultura nating mga Pinoy ang pagkakamay. Bata man o matanda, talaga nga namang lahat ay sarap na sarap sa pagkain sa pagkakamay tuwing kainan.

Kagaya na lamang ng cute na cute na anak ni Pokwang na si Baby Maliah, makikita sa IG ni Pokwang na kumakain siya. Sa kanyang pagkain, ay tila gumagamit siya ng kutsara at tinidor sa pagkain.

Credit: @itspokwang27 instagram

Ayos nga naman ito dahil natututo na siyang gumamit ng kubyertos. Pero, sa tinagatal tagal ay tila ayaw na niya. At kinamay na lang niya ang kanyang pagkain.

Enjoy na enjoy naman si Baby sa pagkain at sa paghigop ng sabaw. Hindi niya alintana ang pagkakamay. Ang mahalaga aya sarap na sarap siya sa pagkain.

Credit: @itspokwang27 instagram

“sa umpisa gumamit pa ng spoon, tapos di na nakatiis nag kamot na hahahhahahahahaaa sige ang tisay ng masa lafang kung lafang…. Higop sabaw hahahahaa hala sige….!!!!! Swipe mo tehΒ πŸ‘ˆπŸ½πŸ‘ˆπŸ½,” saad ng IG post ni Pokwang.



Tuwang tuwa naman si Pokwang sa kanyang anak. Bilang isang magulang, nakakatuwang isipin na sinasanay ni Pokwang si Baby Malia sa pagkakaroon ng simpleng buhay kahit na sila ay may kaya sa buhay.

Credit: @itspokwang27 instagram

Napasaya din ni Malia ang mga netizens. Tuwang tuwa at aliw na aliw din sila sa kanilang nakita. Napakarami na nga namang mga videos ni Baby Malia na labis nagbibigay ng aliw sa mga netizens. Mukhang nagmana nga yata si Baby Malia sa kanyang mommy Pokwang.

Credit: @itspokwang27 instagram

Narito naman ang mga naging komento ng mga Netizens:

“Ang sarap kumain ni Malia. Wish ko ganyan din apo ko”



“Yan ang pinay through and through…ganyan nga Tisay, mas masarap kumain ng nakakamay hahaha…πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ˜πŸ˜πŸ˜”