Korina Sanchez, nalula sa laki at ganda ng bahay ng pamilya Kramer na may sarili pang elevator

Naging usap usapan sa social media ang napakalaki at napakagandang mansion ng Team Kramer at una nila itong pinakita kay Korina kasama ang buong team ng Rated K na binahagi nila sa telebisyon.

Sa sobrang ganda at laki ng kanilang mansion ay inabot ito ng dalawang taon para matapos ng tuluyan. Mayroon silang basketball court, living room na sobrang laki, dinning room na mala restaurant ang itsura, napaka refreshing na swimming pool.



Credit: Doug Kramer instagram

Tanong pa nga ni Korina “Kung ganito ang bahay mo lalabas ka pa ba”

Meron pa silang espesyal na kwarto na tinatawag nilang “Man cave” o ang kanilang entertainment room kung saan meron billiards, hockey table at indoor playground na paborito nila Kendra, Scarlet at Gavin dahil pwede silang maglaro ng bahay bahayan.

Credit: Korina Sanchez instagram

May sarili din silang sinehan sa basement na para kay Doug. Sa sobrang laki ng bahay ay meron pa silang sariling elevator kapag pagod at hindi na kayang umakyat ng hagdan. Ang kwarto ng mga bata na may kanya kanyang closet, jacuzzi at para kay Gavin sariling basketball ring para makapaglaro ng basketball.



Credit: Doug Kramer instagram

Kwento din ni Cheska, hindi lang sila puro laro dahil meron din silang study room kung saan pwede sila makapagfocus at makapag-aral.

“Kahit bumabagyo dito may pasok pa din kame”

Sa pinakamataas na palapag ng bahay nila makikita ang “Master’s Suite” na may emperor size na sila pa mismo ang nagpasadya pati na rin ang napakalawak na walk in closet ni Cheska.

Credit: Doug Kramer instagram

Paalala nila sa mga pamilya at magsisimula pa lang ng pamilya
“This is a mere structure, admire the family, not the house”
“When I look at the house, I see God’s goodness. When I look at the family, I see God’s grace. ”

Malaki pa din ang pasasalamat ng mag-asawa sa panginoon dahil kahit nag simula lamang sila sa pag uupa ng bahay hanggang sa nakabili na sila ng sariling lupa at naitayo ang pangarap nilang bahay.



Maraming na inspire sa kwento ng Team Kramer at bumuhos ang komento:

“In God’s plan, I will have this kind of house in the future. Amen 🥺🙏🏻
“A God-fearing a family. The biggest respect for your family!:”

Credit: Doug Kramer instagram

“Kung ganyan lang bahay namin hindi na ako lalabas 😂😂
“For me this is a paradise in one home. Love in their eyes says it all. GOD BLESS to this family.”
“Hands down to the kramer’s house
“Their house is so beautiful”