Zia Dantes, umani ng reaksyon mula sa mga netizens dahil sa kanyang larawan na animo’y nagrerecording

Bahagi na ng kulturang Pinoy ang pagiging talentado lalo na sa pag-awit. Talaga nga namang napakaganda ng mga tinig ng mga Pinoy. Hindi lang sila dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

Pangdaigdigan o pang world class nga naman talaga ang galing ng mga Pinoy sa pag-awit. Hindi na nakapagtataka kung bakit napakaraming mga singing contest sa bawat barangay, o nga TV competitions dahil nga sa boses ng Pinoy.



Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

Isang bagay na maipagmamalaki nating mga Pinoy ang tinig at boses na hindi lang magaling kundi tagos sa puso. Nandiyan na sina Lea Salonga, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Jessica Sanchez at marami pang iba.

Hindi na nakapagtataka kung bakit pati mga bata ay nahuhumaling sa pag awit dahil na rin sa kanilang mga nakikita at kanilang mga idolo. Kagaya na lamang ng napaka cute na anak ni Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Baby Zia.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

Kung ganda din naman ang pag-uusapan, ay hindi nga naman talaga mahuhuli itong si Baby Zia. Manang mana talaga siya sa kanyang mga magulang na napakagwapo at ganda. Hindi lang iyan, tunay na matalento pa!

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

Sa isang larawan sa IG, ipinakita ni Zia ang kanyang bagong talento. Handa na si Zia na iparinig at ipakita ito sa mga fans. Sa kanyang larawan, makikita si Zia na nasa loob ng recording studio, kuha ng larawan na ito ng kanyang mommy na si Marian Rivera.



Credit: gmanetwork Instagram

Sa post ng kanyang mommy Marian, makikita ang kanyang caption na nagtatanong kung ano ang irerecord ni Baby Zia.

Excited na excited tuloy ang mga netizens kung ano ang irerecord na kanta ni Baby Zia. Marami ang nag-aabang kung kakanta si Baby Zia at gustong gusto din naman nilang marinig ang boses ni Baby Zia.

Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

Narito ang ilan sa kanilang mga naging komento at reaksiyon:

“You are a very adorable young lady …for sure lalaki kang mabuting tao…Praying for your success little Marian .lots of love…πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–πŸ’–”

“Just like her mom beautiful and talented girl😍😘 God be with you β€œZ” to love and guide you alwaysπŸ™πŸΌπŸ’”



Credit: Marian Rivera Gracia Dantes Instagram

“Manang mana sa mommy marian niya na maganda”