Maraming nagsasabi na sayang lang daw ang boto nila sa mga nauupong opisyal sa gobyerno. Dahil na rin sa wala silang nakikitang pagbabago, kung kaya’t nawawalan sila ng gana sa pagboboto.
Pero, si Mayor Isko Moreno ng Maynila ang naging bagong imahe ng mga makabagong politician. Dahil sa kanyang mga proyekto sa pagsasaayos ng Maynila, ay talaga nga namang kahanga hanga ito.

Kamakailan lang ay makikita sa Facebook ni Ons Lino Reyes ang pagtatrabaho ni Mayor Isko para sa mga taga Maynila. Dahil sa masamang panahon, nagkaroon ng baha sa isang parte ng Maynila.
Upang makita ang kalagayan ng mga tao na kanyang sinasakupan, binisita ng personal ang mga apektado at hindi nag-alinlangan na lusungin ang tubig baha.
Bilang isang opisyal, marami nga naman talaga ang nabigla dahil kahit siya ay Mayor ay ginawa niya ang mga bagay na ito. Tunay na nagpapakita ng malasakit sa mga tao.

Narito ang mga komento ng mga netizens ukol dito:
“Na papanahon na na ang politikong iboboto natin at pipiliin ay katulad ng mayor ng Davao at ng mayor ng maynila ngayon mayor isko sa sunod na halalan galingan na natin ang pagtangap ng nagpa file ng candidacy na mga politico dyan sa comelec galingan narin natin ang pagpile ng iboboto..”

“Goodjbo mayor Sana ganyan din lht ng mga mayors na nagtatrabahu ng tama dpat lgeh my nka sunod na video cam pra nmn masubaybayan ng taong bayan at malaman kung tlgang nagserbisyo cla..karamihan kasi pagalingan lng ng pag lagay ng mga billboards sa daan project daw n mayor pero pera ng taong bayan…”

“Kahit ilang bahala inabot ng manila ang iba wla parin kadala dala sa basura tapon deto tapon doon tapos pag may baha isisi sa namumuno hay si mayor subra subrang malasakit sa kapwa sana makiisa ang lahat para sa tunay n pagbabago”
“buti na lng nagkaicp n mga tao s tamang pagboto kelangan ntin ngayon iboto ung totoong tapat sa serbisyo indi puro salita ,,kgaya n yorme ng maynila puro gawa..my princpyo at my tak0t s diyos..godbless u more mayor isko,sana dumami pa tulad ninyo”