Mylene Dizon, inamin ang totoong dahilan kung bakit di pa sya nagpapakasal sa kanyang kasintahan

Ang kasal ay talaga nga namang sagrado lalo na dito sa Pilipinas. Bilang isang Kristiyanong bansa, mayroong malaking pagpapahalaga ang mga Pilipino sa kasal. Mata man ng batas ng tao o ng Diyos, isang sagradong sakramento ang pagpapakasal.

Kaya naman, pagdating sa Senado napakalaki at napakainit ng usapin ng Divorce Bill. Kahit mayroong mga kongresista at senador na nagsusulong nito, mayroon pa rin namang tumututol dito.



Credit: Mylene Dizon Instagram

Kaya para di na umabot sa Diborsiyo, ang iba’y mas pinipili nga namang wag ng umabot sa kasal. Mas nakukuntento sa pagsasama ng hindi kasal o mas kilala sa tawag na “live-in”.

Kagaya na lamang ng aktres na si Mylene Dizon. Sa ngayon, siya ay nakikipaglive-in sa kanyang kasama na si Jason Webb. Ayon kay Mylene, mas gugustuhin daw niyang wag nalang ikasal dahil sa dami ng mga failed marriages ng mga taong nakapalibot sa kanya.

Credit: Mylene Dizon Instagram



Sa mga nakikita niya daw na nakapalibot na mga couple na kasal sa kanya, talagang lahat daw ay maayos sa umpisa. Ngunit bandang huli, ay hindi din daw naging mga successful marriages at nauwi sa hiwalayan.

Ayon pa kay Mylene, nasa maayos naman daw siyang kundisyon kung kaya’t bakit pa daw nilang kailangang ikasal.

Credit: Mylene Dizon Instagram

“I’m just surrounded by so many people whose marriages have fallen apart where in the beginning they were fine. Siguro marami ang magsasabing marami namang successful marriages, yes of course there are. Pero I am surrounded by failed marriages, and I’m in a very good place right now, why rock it?,” sambit ni Mylene

Dagdag pa ni Mylene, mas madaling takasan ang boyfriends kesa sa asawa. Sabi pa nga niya, kahit maraming mambabatikos choice nya daw yun.

Credit: Mylene Dizon Instagram



“Of course, sabi ng iba, ‘puwede ka namang lok0hin ng boyfriend mo. Of course, puwede pero hindi ko sila asawa. Mas madaling takasan. Maraming magbabatikos, pero choice ko to eh,” paliwanag ni Mylene.

Source: Kami.ph