Solenn Heussaff, kinumpirma na sya ay buntis at siya namang ikinagalak ng kanyang pamilya at mga netizens

Isang pamilya na masaya, tiwasay at payapa. Iyan nga naman ang sagot kung tatanungin ka kung ano ang pangarap mong pamilya.

Pamilyang buo at kumpleto. Buo na nandiyan si daddy at mommy. At syempre nandiyan ang nagpapasaya sa pamilya. Mga babies na sobra sobra ang cuteness at good vibes. Kahit nga naman, makukulit at talagang nakakapagod, gugustuhin nga naman ng bawat mag-asawa na magkaroon ng anak sa tamang panahon.



Credit: Solenn Heusaff Instagram

Kapag nga naman dumating na ang tamang panahon at gusto ng magka anak ng mag-asawa, talaga nga namang lahat ay naka abang sa pagdating ng baby na magpapasaya sa pamilya.

Kaya kung busy sa trabaho lalo na kung showbiz industry pa ang mundong ginagalawan ng mag-asawa, medyo mahirap hirap talagang makabuo.

Credit: Solenn Heusaff Instagram

Kagaya na lamang ng mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico, matapos ang kanilang paghihintay. May mga pahiwatig na nga naman sa mga IG post ni Nico na may bagong blessing na paparating sa kanilang pamilya.



“Yes @solenn, we are in this together bebu! #BabyBolz 📸@jatadena,” sambit ng IG post ni Nico.

Credit: Nico Bolzico Instagram

Hindi na nga naman si Solenn at Nico nalang ang magkasama. May bagong blessing na isang kasiyahan din kina Solenn at Nico ang dumating.

Credit: Solenn Heusaff Instagram

Oo, may panganay na nga naman ang sweet couple na ito. Makikita sa picture na nakaupo si Solenn sa gilid habang hirap na hirap si Nico sa tabi ng toilet. Pero ang isang picture ay baliktad na ito, at nagpapakita lamang ito na talaga namang aalalayan ni Nico ang kanyang wife sa lahat ng proseso.



Credit: Solenn Heusaff Instagram

Masayang masaya naman ang lahat sa kumpiramasyon na buntis nga si Solenn at talagang naguumapaw sa saya ang lahat ng pamilya, kaibigan at malapit sa kanya.

Maging mga netizens sa IG ay sobrang saya din at makikita sa kanilang komento ang pagsuporta sa kanilang mag-asawa.