Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, sinurpresa ang mga tao sa LRT dahil sa sikreto nilang concert doon

Sa araw araw na pagsakay natin sa public transport lalo na sa LRT o MRT, nangunguna nga naman ang walang katapusang pila ang ating napapansin.

Credit: Jennylyn Mercado Youtube

Di nga naman talaga nawawala ang pilang ito at ang usad pagong na daloy ng mga tao, pero sa kabila ng lahat ng pagod at pagkainip, tila may mga hindi natin pinapansin na nagbibigay saya o nag eentertain sa atin, walang iba kundi ang mga PWD na kumakanta na naka speaker pa sa mga istasyon ng tren.



Credit: Jennylyn Mercado Youtube

Kaya naman, isa sa mga handog na ginawa ni Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay hinandugan nila ang mga pasahero ng libreng concert sa LRT1 Station. Ngunit, walang kaalam alam ang mga taong nakikinig na sina Jennylyn at Dennis ito.

Credit: Jennylyn Mercado Youtube

May mga namimisteryosohan man, nakaagaw naman talaga sila ng atensyon at
nakatanggap pa ng mga tip. Kaya naman, nang ilabas na nila ang kanilang mga tunay na itsura ay talagang nabigla ang lahat sa kanilang nakita. Napawow na nga lang naman talaga sila.

Credit: Jennylyn Mercado Youtube

Hinandugan nga naman sila ng mga awitin na OPM classics at ang kanyang album title na “Kahit Sandali”.



Pero, hindi pa rin naman ito nakalagpas sa mga mata ng mga netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Enjoy watching sobrang galing ng dalawa napatawa ako kht sobrang pagod katapos ng work sa youtube channnel ni jen lahat koyan sinusubaybayan colove jenden super nakakwala ng pagod bilang ofw keep it up sana marami pang videos from you both God bless”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram

“Most probably these two got the idea of performing in disguise at a train station from Miley Cyrus and Jimmy Fallon who performed at NYC subway also from other celebrities like Christina Aguilera. Kind of imitating western ideas!”

Credit: Jennylyn Mercado Instagram



“Kung may ginaya man sila ok lng kc nakatulong sa iba. Bkit yung mga foreign ba sarili nilang idea yun? Db ndi rin nmn kc ang originality ei yung mga pwd at blind person na gumawa nun kaya may ginayahan din sila.. Nakakatuwa talaga ang ibang pinoy imbes na suportahan yung kapwa pilipino sila pa itong unang humuhila pababa kaya ndi tayo umaasenso sa ganyang pananaw. 😭

“Good deeds for a good cause are always good to replicate. Ang saya if lahat tayo gagaya ng mabuting gawa ng iba.”