Nanay na 40years old, hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang batang mukha kaya naman laging napagkakamalang girlfriend sya ng kanyang anak

Napakaganda nga namang makita kung parang magbarkada lang kayo ng inyong ina. Dahil na rin siguro sa napaka close niyong bonding at young look ni Mommy ay napagkakamalang kabarkada o kaibigan mo lang ang nanay mo.

Kapag nga naman talaga todo alaga ang ating mga mommy sa kanilang face at figure, talaga nga namang hindi na magkakalayo ang mukha ng mommy mo sa iyo. Kaya di nakapagtataka kung bakit napagkakamalan kayo na magbarkada.



Credit: Jonathan Nguyen Instagram

Pero, ang mas nakakabigla ay pagkamalan kayo ng nanay mo bilang magkasintahan. Talaga nga namang hindi na halata sa nanay na ito kung talagang pagkakamalan na sila bilang mag jowa.

Kagaya na lamang ni Jonathan Nguyen na 22 years old, lagi silang pinagkakamalan ng kanyang ina na nasa 40 years old bilang magkasintahan dahil sa napakabatang mukha at fit na katawan ng kanyang ina.

Credit: Jonathan Nguyen Instagram



Maging sa online ay talagang aakalain nga naman.

“Meet my mom and my best friend 💕
Gặp mẹ và người bạn thân nhất của tôi.💕
My ride or d!e… 🤟🏻 This is the only picture we had at the party that she threw for me. I love you and I’m so thankful mama,” sambit ng IG caption.

Marami tuloy ang napapaisip ano ang sikreto ng kanyang ina. Sinagot naman ito at sinabing proper diet at exercise talaga ang sagot.

Disiplina nga naman sa katawan at sarili ang siyang tanging sagot para magkaroon ng magandang katawan at batang hitsura.

Credit: Jonathan Nguyen Instagram

Bilib na bilib ang mga netizens sa kanya. Narito ang kanilang mga komento:

“Ako din dti sa anak ko la2ke pg ksma ko cia tinatanong nla kung bf ko daw,sbi ko hndi anak ko yan hehe.Kaloka! Tpos ung late husband ko 10yrs.gap nmin ms mtnda cia skin sbi nla tatay ko daw.Grbe mga tao. D tlga maiwasan yan kung minsan”



“Ganyn talaga npag kamalan pa kc maalaga s sarili c nanay”

“Ganda kase nung nanay at mukhang bata pa”

Source: Kami