Pokwang, proud na proud kay baby Malia dahil di ito mahirap pakainin at talagang paborito pa nito ang paksiw na isda

Kung ulam nga naman ang pag-uusapan, hindi mawawala sa bokabolaryo nating mga Pinoy ang ulam. Dahil na rin sa ating pagkahilig sa kanin, bahagi na ng hapag kainan ng Pinoy ang ulam.

Kanya kanya tayo ng paboritong ulam. Napaka karaniwan sa bata na mahilig sa pritong manok. Nakapila na rin sa listahan ang sinigang, adobo, asado o kaldereta.



Credit: @itspokwang27 instagram

Siyempre, kasama pa rin naman sa pangangailangan nating ulam ang mga gulay gaya ng pinakbet o chopsuey. Hindi ba’t mapapa takam ka nalang talaga sa pagkaing Pinoy.

Pero, iba ang mga Pinoy. Dahil na rin sa hirap ng buhay at pagiging madiskarte, kahit hindi ulam ay inuulam na. Iba’t ibang istilo basta’t ang mahalaga ay makakain lalo na sa mga pamilyang isang kahig isang tuka.

Credit: @itspokwang27 instagram

Kaya, napakapalad ng mga bata na maaayos ang buhay at naibibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Hindi nga naman sila makakaranas ng gutom pero ang mahirap kung sino pa ang may kinakain ay sila pa ang mapili.

“Adobo na naman ang ulam? Wala na bang iba?,” iyan nga naman ang mga karaniwang reklamo ng mga batang nakakakain ng tatlong beses sa isang araw.

Credit: @itspokwang27 instagram



Pero ibahin ninyo ang baby girl ni Mamang Pokwang, hindi fried chicken o crispy pata ang kanyang paboritong ulam. Hindi rin adobo o sinigang kundi paksiw na isda ang kanyang bagong paborito ngayon.


“pambihira si tisay @malia_obrianhahahaaa kahit yata 3x a day na paksiw pak na pak parin sa kanya ang sarap hahahahaa bago nyang paborito ang paksiw na isda!! 😋,” sambit ng IG ni mamang pokwang.

Credit: @itspokwang27 instagram

Nakakahanga nga naman ang mga ganitong mga bata na hindi mapili sa pagkain. Sa murang edad, hindi mapili ang bata sa kanyang ulam.



Credit: @itspokwang27 instagram

Isa nga namang indikasyon ito ng magandang pagpapalaki ni Mamang Pokwang sa kanyang anak. Mula labas hanggang loob, napakalinis at dalisay nga naman talaga ng ganda ni Baby Malia. Hindi na nga naman mangungunsumisyon si Mamang Pokwang sa pagpapakain sa kanyang anak.