Netizens, sobrang na-touch sa mensahe ni Pokwang para sa kanyang nanay at ramdam talaga rito kung gaano nya ito kamahal

Mula pagkabata, ang ating mga magulang lalo na ang ating mga ina ang siya laging nakagabay sa atin. Sila ang kasama natin kahit wala pa tayo sa mundo, siyam na buwan nila tayong dinala sa kanilang sinapupunan.

Credit: @itspokwang27 instagram

Kahit pa nakaranas sila ng matinding saklt noong tayo’y niluwal sa mundo, walang pag-aalinlangan pa din nila tayong isinilang. Bunsod ng pagmamahal nila sa atin, gagawin ng ating mga magulang ang lahat para sa kapakanan ng kanilang mga anak.



Habang tayo ay lumalaki, patuloy pa rin naman silang nakagabay sa atin. Sa pag-aaral, hanggang sa pagbibigay lahat ng ating pangangailangan, ay talagang maasahan nga naman natin ang ating mga magulang.

Credit: @itspokwang27 instagram

Sa kabilang banda, habang tayo ay lumalaki at tumatanda, ganun din naman ang sitwasyon ng ating mga magulang. Sila din ay tumatanda sa tagal ng panahon. Tumatanda at nanghihina, at hindi maiwasang magkasak!t.

Pero matapos ang lahat ng sakr!pisyo ng ating mga magulang para sa atin, sa panahon ng kanilang kahinaan at katandaan, tayo naman ang inaasahan nila na laging maging nandyan para sa kanila.

Credit: @itspokwang27 instagram

Kagaya na lamang ng komedyanteng si Pokwang, makikita sa kanyang IG ang mensahe niya sa kanyang ina.



“I love you…. ❤️❤️ makakaasa ka hindi ako bibitiw kahit may ilan na sakanila na bumitiw na, pero ako hindi hanggat kaya ko at kasama ka namin ng mga apo mo ?❤️ #labanlangmaderdear,” sambit ni Pokwang.

Credit: @itspokwang27 instagram

Kahit ano man ang pinagdadaanan ng kanyang ina, talaga nga namang mapapalakas ang ina ni Pokwang dahil sa suportang ibinubuhos ni Pokwang sa kanyang ina.

Hindi nga namang matatawaran ang pagmamahal ng isang ina kung kaya’t kahit sa simpleng bagay at aksyon ng pagmamahal ay maibalik man lang natin ito lalo na ngayon sa panahon ng kanilang kahinaan at katandaan.

Credit: @itspokwang27 instagram



Samantala, nagpaabot naman ng mensahe ng suporta at pampalakas ng loob ang mga taga suporta ni Pokwang sa kanilang mga komento na talaga namang nakapagpapatibay ng loob at tapang sa pagharap nito.