Korina Sanchez, ipinasilip ang mga super cute na larawan nina Pepe at Pilar sa kanilang binyag na dinaluhan ng malalapit nilang kapamilya

Marami nga naman ang nagulat at natuwa nang isapubliko nila Mar Roxas at Korina Sanchez ang kanilang mga twin babies. Napaka cute at talagang nag uumapaw sa good vibes ang hatid nito sa atin.

Kaya naman, ngayong sila ay pumasok na sa panibagong mundo ng kanilang pagiging Kristiyano ay mas usap usapan ito sa social media.

Credit: Korina Sanchez Instagram

Ibinahagi ni Korina Sanchez ang naging intimate baptism nila Pepe at Pilar. Kasama ang kanilang mga malalapit na pamilya at kaibigan, ipinagdiwang nila ng masaya ang binyag ng kanilang mga anak.




Credit: Korina Sanchez Instagram

“Good morning pipol! Sa wakas! The twins’ baptism! Took awhile although they were blessed three times prior. Tuwang tuwa kami. But mas tuwang tuwa si Pepe en Pilar. They loooooved being outdoors,” sambit ni Korina sa kanyag IG. 


Credit: Korina Sanchez Instagram


Nabanggit pa ni Korina hindi man lang umiyak ang dalawa sa binyag. Makikita mo daw talaga na sanay at gustong gusto nila ng tao nakapalibot sa kanila.

Credit: Korina Sanchez Instagram




“Himala. No crying AT ALL. Kahit mainit sa simbahan! And even when they were blessed with water over their heads and Pepe was asleep. No incident. ??? The kids love people. They super like being around a lot of new faces. So proud of them. Two new angels on earth. ?? #NanayNiPepeEnPilar,” dagdag pa ni Korina.

Credit: Korina Sanchez Instagram


Samantala, ibinahagi din ni Korina na pumili sila ng mga ninong at ninang na mas bata sa kanila.

“It was a quiet and simple event. Just immediate families in attendance. We wanted more ninongs and ninangs then realized we needed to choose guardians from the younger generation of our families. So here are most of the nephews and nieces from both sides. Including the youngest ones Meila and Miguel,” banggit ni Korina.

Credit: Korina Sanchez Instagram


Narito naman ang mga komento ng nga netizens ukol dito:

“kaya pala hindi ko na masyado nakikita si Mar Roxas dahil siguro abala sa kanyang twins, at mas mabuti kong ganon, enjoy kana wala kapang sakit sa ulo”




Credit: Korina Sanchez Instagram

“Welcome to the Christian World, Pepe and Pilar!God bless.”

“ANG CUTE CUTE NAMAM NILANG DALAWA NAKAKATUWA”