Kung serbisyo publiko din naman ang pag-uusapan, mangunguna na diyan ang butihing alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno.

Sa unang buwan pa lang ng kanyang pamamahala, marami nga naman siyang mga inaksyunan. Nangunguna na diyan ang clearing operations sa Divisoria. Kung dati ay siksikan, ngayon ay maaliwalas at malinis na ito.

Sa loob ng isang buwan, pinatunayan ni Mayor Isko na maraming kayang gawin kung kikilos lang talaga ang mga nanunungkulan.
Hindi traditional politician si Mayor Isko dahil nanguna pa ito sa mga pagbabago na talagang nagpatunay ng kilos at serbisyong para sa masa.

At ngayon, panibagong programa na naman ang ginawa ni Mayor Isko na usap usapan sa social media. Ayon kasi sa Centenarians Act of 2016, magkakaroon ng cash gift ang mga nakatatanda na aabot sa 100 years old.
Kung sa ibang lugar ay ang tao mismo ang kukuha nito, sa Maynila ay pinadali naman ito ni Mayor Isko matapos ipamigay ang P100,000 na cheke sa kani-kanilang bahay mismo.
Personal na binisita ni Mayor Isko ang mga beneficiaries na ito at inabot ang cheke. Inalam din at nakipagkwentuhan si Mayor sa mga centenarians at ng kanilang mga pamilya.
Kaya naman, nakakabilib talaga si Mayor Isko dahil sa kanyang galing at sipag sa paglilingkod. Maging nga netizens ay hangang-hanga sa kanya. Narito ang kanilang mga komento:
“sana lahat ng meyor ganyan. pero kamustahin naman natin ang ibang meyor nagtatago yon iba halos d na makita at d pa matapos tapos ang ibang pinagibang kalsada iniwan lang nila pag tapos ng voting at nanalo wala na parang bula lang. yorme isko sana wag magbago at ipagpatuloy mo lang yan kabutihan mo sa kapwa. god bless u ?”

“Araw-araw mayroon kang sorpresa. You’re the best Mayor talaga. Kaya naman lagi kang trending, kaabang-abang ang bawat araw sa mga mabubuting nagagawa mo. God bless you Mayor!”
“Mabuhay ka Mayor..may puso po kayo para sa kapwa Pilipino ! YOURE ONE IN A MILLION !”

“Wow ginagawa talaga ang.pagtulong sa.mga.matatanda na .100 yrs.galing talagang mayor Ng maynila.walang katulad Yan ah?”