Alfred Vargas, sweet na sweet sa kanyang anniversary message para sa kanyang napakagandang asawa

Lahat nga naman tayo ay may nakalaan na tao para sa atin. Sa ilang milyong milyong tao sa mundo, isang tao nga lang naman ang nakalaan para sa atin. Ang taong iintindihin at sasamahan ka sa hlrap at ginhawa.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Kung kaya’t napakahalaga na pagbukludin kayo ng isang seremonya sa harap ng Diyos at ng tao. Ang pagpapakasal ay napakahalaga nga naman talaga dahil ito ang seremonyas na magpapalalim at magpapatibay sa pagsasama ninyo bilang mag-asawa at magpapaisa sa pamilya.



Credit: Alfred Vargas Instagram

Bago bumuo ng pamilya at magka anak, mahalaga muna ng malalim na pundasyon ng relasyong mag asawa upang mas maging masaya at matagumpay ang pag-aasawa.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Katulad na lamang ng actor politician na si Alfred Vargas at ang kanyang asawang si Yasmine Vargas.

Nagdiwang sila ng kanilang anniversary kamakailan lamang. Nabanggit sa mensahe ni Alfred Vargas sa kanyang asawa na pinost niya sa IG na halos 11 years na sila mula ng magkakilala.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Nasabi ni Alfred na fan na fan daw niya si Yasmine. Pero ngayon, fan na daw ni Yasmine si Alfred. Mas nabibighani at namamangha si Alfred sa kanyang asawa dahil sa kanyang ganda panlabas man o sa kalooban.



Credit: Alfred Vargas Instagram

Narito ang kabuuang mensahe ni Alfred:

“Happy Anniversary, Amore Ko @yasmine_vargas2307 ❤️ When we met 11 years ago, fan na fan kita. Pero ngayon ako na ang fan na fan mo. And each day that passes, I admire you more and more. I guess forever mo na ako magiging fan kasi napakaganda mo inside and out. Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga dahil katabi kita.

Ang sarap mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging “oo” naman ang sagot mo sakin. Mahal na mahal kita, Amore ko ❤️ Salamat sa maraming makabuluhang taon na puno ng ligaya. #vargasnapagibig.”

Credit: Alfred Vargas Instagram



Mababasa nga naman talaga sa mensaheng ito kung paano kamahal ni Alfred ang kanyang asawang si Yasmine. Napakalalim at talagang di matatawaran ang kanilang pag-iibigan.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Walang panahon o pera o materyal na bagay ang tutumbas, kundi mas matimbang ang pagmamahal ni Alfred at Yasmine sa isa’t isa at syempre ang kanilang pamilya.