Netizens, excited na sa muling pagbabalik telebisyon ni Liza Soberano na kitang kita sa mga reaksiyon nila sa social media

Ang mga showbiz personalities ay may malaking papel na sa buhay ng mga Pilipino. Lalo na ng mga Pinoy fans na sumusubaybay sa mga teleserye at mga pelikula na talagang inaabangan at sinusundan sa telebisyon man o sa sinehan.

Credit: Liza Soberano Instagram

Napupuno ang mga naglalakihang networks ng mga artista na napakagaling nga naman talaga sa pag-arte, pagsayaw o pag-awit. Mapa GMA, ABS-CBN o TV5, hindi nga naman nauubusan ito ng mga naggagwapuhan at naggagandahang mga aktor at aktres sa talento.



Kagaya na lamang ni Liza Soberano, sino ba ang hindi mabibighani at magagandahan talaga kay Liza? Isang dyosa na tila mula sa kalangitan ang kagandahan ni Liza. Lahat ay talagang namamangha sa ganda at galing sa pag-arte niya.

Credit: Liza Soberano Instagram

Tatak ang kanyang de kalibreng pag arte sa iba’t ibang mga teleserye kagaya ng “Forevermore”, “Dolce Amore” at “Bagani”. Ang mga magagandang mga pelikula na binuo ni Liza kasama ang kanyang mga on at off screen partner na si Enrique Gil ay ang “My Ex and Whys” at ang “Alone Together”.

Credit: Liza Soberano Instagram

Ang mga ito talaga ang nagpatunay na iba ang talento ni Liza. Kaya naman, hindi na nakakapagtaka kung bakit ibinigay sa kanya ang role na Darna. Kayang kaya nga naman talaga niya ito ngunit kamakailan lamang ay ugong ugong ang balita na hindi na niya ito matutuloy.

Credit: Liza Soberano Instagram



Dahil sa kanyang naging lnjury sa daliri sa isang set ng Bagani, nagdesisyon at inanunsyo na ni Liza na hindi na niya maitutuloy ang Darna.

Kung kaya’t nagpokus si Liza sa pagpunta sa ibang bansa upang mapatingnan at mapagamot ito. At matapos ang kanyang pagpapagaling, opisyal na ngang nakabalik si Liza sa bansa.

Credit: Liza Soberano Instagram

Makikita sa kanyang IG na masayang masaya si Liza na nakabalik mula sa ibang bansa. Sa kanyang pagbabalik marami pa ding proyektong naghihintay sa kanya.

Credit: Liza Soberano Instagram

Asahan ang isang pelikula at teleserye kasama si Enrique Gil. Paniguradong excited na excited ang kanyang mga fans at tagasuporta dito. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens:

“Welcome home Hopie!!!♥️♥️♥️”
“You are soooo back Queen!!!!!?Werk werk werk soon!!!!!!!! Got ur back!! For now pagaling ka muna mumsh!!???”
“Welcome back si ganda! ???”




Narito naman ang naging surpresa ni Enrique Gil kay Liza sa kanyang pagbabalik sa Pinas (Credit: Showbiz Pinas Youtube).