Derek Ramsay, pinahanga ang kanyang mga fans dahil sa pinakitang galing sa paglalaro ng Basketball sa MPBL

Malalim ang hilig ng mga Pinoy sa sports. Lalo na sa Basketball. Mapa bata man o matanda, lalaki man o babae ay talagang kinagigilawan ang larong basketball.

Mula sa mga liga sa barangay o sa probinsya maging sa mga pambansang laro sa eskwelahan gaya ng NCAA at UAAP, o ang mga national league tulad ng PBA o MPBL. At sa international league ay hindi rin magkamayaw ang mga Pinoy fans sa NBA.



Credit: Derek Ramsay Instagram

Kaya naman, ang ating mga idolo pagdating sa larangan ng pampalakasan lalo na sa larong basketball ay mga sikat na basketball playes mula sa loob at labas ng bansa.

Nandiyan na si Michael Jordan, Kobe Bryant, Stephen Curry at Kevin Durant mula sa ibang bansa. Dito naman sa Pinas ay si Benjie Paras, Calvin Abueva, Jason Castro o Japheth Aguilar. Maging sa mga galing sa eskwelahan na sina Terrence Romeo at Paul Desiderio ay idolo na rin.

Credit: Maharlika Pilipinas Basketball League Facebook

Maging mga big showbiz personalities ay pinapasok na din ang mundo ng sports dahil na rin sa kanilang angking kagalingan. Isa na rito ang aktor na si Derek Ramsay.

Makikita sa kanyang IG ang kanyang paglalaro sa MPBL debut. Naglaro siya para sa Batangas City Athletics Tanduay nitong Huwebes.

Credit: Maharlika Pilipinas Basketball League Facebook

Pinataob ng Batangas ang Caloocan sa puntos na 80-67. Talaga nga namang nakalasap ng panalo ang Batagas dahil sa kanilang team work at pagkakaisa.



Bumida si Derek Ramsay at nakapaglaro. Makikita sa video kung paano nga naman niya nakamit ang kanyang unang puntos sa paglalaro.

Credit: Maharlika Pilipinas Basketball League Facebook

Marami nga naman ang humiyaw at talagang pumalakpak sa kanyang magandang galaw sa paglalaro. May naitatago nga namang galing si Derek na ipinakita nya sa laro.

 

View this post on Instagram

 

Maraming salamat batangas for the love and support na binigay nyo sa team. Great win @tanduayathletics #mpbl #tanduay #tibayngloob

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on


Maraming mga netizens din ang mga nagbigay ng komento at papuri kay Derek. Narito ang mga komento:

“nakalaro ko in a pick up game. dito sa cebu si sir Derek Ramsay. magaling po yan maglaro. wag po natin maliitin.”



Credit: Derek Ramsay Instagram

“Matagal na yan naglalaro si Derek ng basketball kahit noon hindi pa siya Artista… Yung iba dito mga ignorante…”