Sa unang round pa lang ay sunod sunod na ang hiyaw ng mga tao sa pag papaulan ng mabilis na suntok ni Pacman at sa kalagitnaang nagkaroon ng mainit na bakbakan at napatumba si Thurman.

Katulad ng huling laban ni Pacman kay Enero, ang kalabang si Thurman ay may matangkad ka Pacquiao kaya naman palagi siyang bumababa para matamaan si Pacman.

Pagdating ng round 5 pini pressure ni Thurman si Pacman at sa kanyang pag sugod binigyan ito ng champion ng isang magandang counter at sinunod sunod ng barrage sa kanyang kamao.
Sa round 7 ay maraming beses na tinamaan sa mukha ni Thurman na pinakita sa mga slowmo sa VTR pagkatapos ng round.

Muling nagkainitan mula sa susunod na round nang macorner ni Thurman ngunit ang dugong pinoy lalong lumalaban kaya naman sumugod paharap muli si Pacman.
Sa round 10 kitang kita ang pagod kay Thurman na halos matumba na ito nang makita ito ng champion dali daling sinugod. Maganda ang pinakita ng dalawang kalahok matapos ang round 12 ay niyakap ni Thurman si Pacman.

Nang dumating ang resulta ng buong laban nagkaroon pa ang mga judges ng split decision dahil magandang hit ni Thurman ngunit na knockdown siya ni Pacman na may malaking puntos.
Ito ang pangalawang panalo niya sa kahit na 40 years old na sya. Patuloy niya pa din pinapatunayan na age is just a number. Binigyan niya ang challenger ng una niyang talo matapos ang kanyang 29 na panalo. Bukas din si Thurman sa muling pakikipag laban kay Pacman sa pangalawang pagkakataon.

Nanood din ang ating Miss Universe na si Catriona Gray suot ang pink dress sa laban. May guaranteed purse din si Manny ng $20 million mula sa laban na ito.