Pokwang, ipinagtanggol ang kanyang kasambahay sa mga Netizens na nagkokomento dahil sa ginawa nito

Sa modernong panahon, patuloy nga naman ang paglaganap ng social media at ang mas lumalakas na pwersa at impluwensya nito sa mga tao, bata man o matanda.

Ito na rin ang naging lugar upang ipahayag ang sarili ng bawat isa. Maging ang kanilang mga opinyon, naisin at kagustuhan ay naipapahayag nila sa social media. Ang dami na nga namang mga applications na nagsilabasan na. Sa lahat ng ito, isa lang ang pagkakapareho, iyon ay ginagamit ito bilang lugar ng paghahayag ng malayang saloobin.



Credit: @itspokwang27 instagram

Kaya, kung comment box ang pag-uusapan, siguradong puno iyan sa mga Pinoy na nagkokomento sa iba’t ibang mga post kahit wala silang kinalaman o kaalam alam sa isyu.

Ngayon, usap usapan ang post ni Pokwang sa IG. Makikita sa post ang picture ng kanyang anak at ang tagapag alaga nito. Ngunit, nabigla ang lahat sa caption nito. Narito ang post na ito:

Credit: @itspokwang27 instagram

“More broccoli more fun for my tisay ng masa @malia_obrian #tisayngmasa Yes po malapit na namin i launch ang kanyang sariling youtube channel!!! SOON….. Please lang sa mga mag co comment ng nega about bakit nauna si ate Gina ang tumikim sa pagkain ng bata?

Credit: @itspokwang27 instagram




1- niramdam nya kung mainit ang pagkain, natural ayaw nya mapaso ang bata.
2- hindi po ako MAARTENG AMO!! 3-napaka blessed ko dahil mahal na mahal nya ang anak ko!
4- my Child my rules!!! 5-masipag po ako mang BLOCK para sa ikawawala ng stress. Salamat po and God bless!”

Credit: @itspokwang27 instagram

Makikita sa post ni Pokwang na tila inunahan na niya ang mga netizens na maaaring mag komento sa picture.


Sa post kasi ay makikitang naunang tumikim ang tagapag alaga ng anak ni Pokwang kaysa sa mismong bata. Pero, nauna ng pinagtanggol ni Pokwang ito bago pa sumugod ang mga ito.

Credit: @itspokwang27 instagram




Kahanga hanga nga naman ang ginawa ni Pokwang. Nagpapakita lamang nito ng kanyang pagmamahal at pagtuturing sa kanila na pamilya.

Credit: @itspokwang27 instagram

Walang estado sa buhay, mahirap man o mayaman, pantay pantay lang ang tingin ni Pokwang sa bawat isa. Marami ang mas natuwa at napasaya ni Pokwang dito.