Dimples Romana, ipinasilip ang malapit ng matapos na sariling building na talaga namang malawak at malaki

Lahat tayo ay nangangarap na makapagpatayo ng sariling bahay o kahit anung istraktura. Mula sa ating sipag at tiyaga sa trabaho, hindi nga naman imposible na makapagpatayo ng masasabi nating sa atin. Maaaring medyo mahirap sa umpisa lalo na’t mula sa pag iipon hanggang sa unti unting pagpapatayo lalo na ng isang gusali.

Credit: Dimples Romana Instagram

Isa nga namang simbolo ng tagumpay ang isang sariling tayong pag-aari. Simple man o malaki, ang mahalaga’y makapagpatayo na bunga ng dug0’t pawis sa ating pagtatrabaho.



Credit: Dimples Romana Instagram

Katulad na lamang ni Dimples Romana. Matapos siyang mag trending sa kanyang mga memes na mula sa teleseryeng Kadenang Ginto bilang Daniela Mondragon, trending din ang kanyang pagpapatayo ng isang gusali.

Credit: Dimples Romana Instagram

Kalat nga naman talaga ang mga memes ni Dimples at marami talaga ang pinapasaya nito. Maging si Dimples ay tuwang tuwa naman talaga dito.

Credit: Dimples Romana Instagram



Kaya naman, pinost ni Dimples sa kanyang IG ang kanyang itinatayong gusali na talaga namang malapit ng matapos. Makikita ang bunga ng sipag ni Dimples at ang kanyang asawa. Konti na lang ay makikita na natin ang kabuuan nito.


Narito ang post ni Dimples sa kanyang IG:

“Almost there 🏢 The building we purchased last year is almost finished with the renovations and we’re still deciding whether we’ll have it for lease , if we’ll use it or we’ll sell it. Leaving this photo here for those of you who may be thinking that your dreams are far from your reach. My hubby and I started from very little. Unti unti lang at Maraming Maraming dasal.

Sinulat ko sa isang chapter in my book #DimpsTips under @abscbnbooks , one must always TAKE LEAPS OF FAITH. Do not be afraid. Taking calculated risks will always pay off in the end 💋 wag kang matakot. The Lord will always provide 💋.”

Credit: Dimples Romana Instagram

Pinaalala ni Dimples sa bawat isa ay maaaring maabot ang kanilang mga pangarap. Walang imposible sa bawat isa basta’t magtiwala sa sarili at lalong lalo na sa Diyos.



Credit: Dimples Romana Instagram

Ang susi sa tagumpay ay ang pagdarasal. Dasal lang naman talaga ang sagot sa lahat ng bagay at pangarap natin. Nagiging posible ang imposible dahil sa pagtitiwala sa Diyos.