Netizens, nagulat at natuwa dahil ipinakilala na ang magiging Darna na kapalit ni Liza Soberano

Isa sa mga nakatatak na sa ating mga Pinoy na superheroes ay si “Darna”. Siya nga naman ang tunay na tatak ng strong and independent woman na talagang nagliligtas ng mga tao na nasa panganib at nangangailangan. 

Mula sa komiks, pelikula at teleserye ay patok na patok ito sa mga Pinoy. Marami na nga namang gumanap na Darna at magpahanggang ngayon ay mayroon pa din. Kabilang na dito sina: Anjanette Abayari, Lorna Tolentino,Vilma Santos-Recto, Sharon Cuneta, Nanette Medved, Angel Locsin, at Marian Rivera. Mga bigateng aktres nga naman talaga ang mga ito. 



Credit: Jane de Leon Instagram

Matatandaang may paparating na Darna movie na ididirek ni Mr. Jerrold Tarog sa ilalim ng ABS CBN Film Production. Si Liza Soberano ang inaasahang gaganap. Ngunit, dahil sa kanyang injury sa daliri ay naging opisyal na hindi siya ang magiging susunod na Darna. 

Credit: Jane de Leon Instagram

Matapos ang mahabang paghihintay, maraming pangalan na ang lumutang kung sino ang papalit sa kanya. 



Credit: Jane de Leon Instagram

Sa oras na ito, inihayag na nga kung sino nga ba ang gaganap. Siya ay ang Kapamilya Teen Actress na gumanap bilang Maggie Bartolome sa “Halik” na kapatid ni Lino (karakter ni Jericho Rosales). 

Credit: Jane de Leon Instagram

Siya si Jane De Leon, 20 years old. Siya ang gaganap bilang bagong Darna. Naakaganda nga naman talaga niya at ang galing din sa pag arte. Paniguradong magsisimula na rin sila sa pagsasanaya at marami ang nag aabang ng kanyang pelikula.


Narito naman ang mga komento ng mga supportive netizens na masayang masaya dito:

“Perfect, Natagapuan na rin ang Bagong Mukha ng Darna. Congratulations napaka ganda , May resemblance kay Gal Gadot. Magaling talaga pumili ang ABS CBN”

“Magaling din to sa actingan dekalibre din. Sana magaling din siya sa bakbakan para mameet niya ang expectation nang madla. Congrats jane.”

Credit: Jane de Leon Instagram

“Congratulations ms jane. As you will be the next darna,may you embody the filipina superhero as embodiment of a true filipina.”

Credit: Jane de Leon Instagram



“Dba ang ganda she looks gorgeous like nila Liza Soberano ang Angel Lucsin #Darna hindi kaya nag kakamali pag pili gogogo Jane.”

Credit: Jane de Leon Instagram

“Good choice! Buti nalang pinagbigyannnn ang ibang magaling ❤️❤️❤️❤️Good job Maggie❤️ for sure may nag eexpect Jan na cla ang Darna hahahahha”