Dimples Romana, inamin na naiyak sya ng matindi nang malaman na magpo-propose na si Neil Arce kay Angel Locsin at kung paano nya tinulungan si Neil na makuha ang sukat ng daliri ni Angel

Nagkalat na nga ngayon ang mga “memes” sa social media. Ang mga memes na ito ang ating nagiging rason upang matawa sa gitna ng kapaguran at problema sa buhay.

Kung memes lang din naman ang pag-uusapan, nagkalat na nga ngayon ang mga memes ni Dimples Romana dahil sa kanyang karakter sa Kadenang Ginto bilang Daniela Mondragon.



Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Makikita ang kanyang larawan na may dalang maleta sa iba’t ibang lugar. Kung kaya’t kahit gaano kainis ang mga viewers sa pagiging kontrabida ni Daniela, isa namang tunay na kaibigan at mabait na tao si Dimples.

Kabaliktaran nga naman ang nakikita kay Daniela kumpara kay Dimples. Palakaibigan, masayahin at magaling sa pakikipagkapwa tao. Kaya, hindi na nakapagtataka kung bakit bestfriend niya si Angel Locsin.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

At sa napabalitang engagement ni Angel ay talagang masayang masaya si Dimples para sa kaibigan. Bilang kaibigan ni Angel, alam nga naman ni Dimples ang lahat ng napagdaanan ng kaibigan at masaya siya ngayon para sa kanila ni Neil Arce.



Pero, may mahalagang papel pala si Dimples sa naganap na proposal. Bago pa kasi ito, tumawag na si Neil kay Dimples upang sabihin na magpo-propose ito kay Angel kaya naman napa-iyak sya ng matindi dahil sa tuwa para sa kaibigan.

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

Humingi din sya ng tulong para alamin ang sukat ng daliri ni Angel para sa singsing.

Credit: Angel Locsin Instagram

Bilang kaibigan, gumawa ng paraan si Dimples. Tinawagan niya ang assistant ni Angel upang humiram ng singsing ni Angel at sinabing siya ang magpapagawa para sa singsing nilang dalawa ni Angel bilang magkaibigan.

Narito ang buong kwento ni Dimples:

“Friends kami ng mga assistant ni Gel so tinawagan ko. Sabi ko, ‘Ate punta ka nga dito, dalhan mo nga ako ng singsing ni Gel kasi gagawan ko siya ng terno ring namin.’ Sabi ko ‘yung sa akin ‘yung may ‘bestfriends’ sa kanya yung ‘forever’, ‘bestfriends forever,'”

Nang makuha na ito, talaga namang napakasaya ni Dimples para sa kaibigan dahil talaga namang deserve nila ang isa’t isa. Narito naman ang mga samu’t saring komento ng mga netizens ukol dito:

Naku kahit ano pang inis ko talaga sayo Daniela. nawala na dahil tinutulungan mo si Angel at supprt ka lagi. love love na kita. hindi pa yata talaga pagod si dani gurl.



“so singsing pala ang laman ng hila hila mong suitcase..”

Credit: ABS-CBN Entertainment Youtube

“Supportive friends talaga… 😊😊😊”

“Yan ang forever friends talaga. kahit saan lagi nakasupprt. hindi naiinggit bagkus lagi pang nakaguide sobrang helpdul talaga. true friend ka talaga. more power”