Asawa ni Michael V, bongga ang 50th birthday celebration na dinaluhan pa ng maraming artista at kilalang personalidad

Kamakailan lamang noong isinagawa ang isang magarbong selebrasyon para sa kaarawan ni Carol Bunagan, ang asawa ng aktor at komedyanteng si Michael V.

Ilang mga litrato mula sa kaarawan ni Carol Bunagan ang nasa iba’t-ibang social media sites sa kasulukuyan. Makikita din na nagkaroon ng isang espesyal na performance ang mag-asawang sila Michael V. at Carol Bunagan para sa mga dumalo sa kaarawan nito.



Ang mga kilalang artista mula sa iba’t-ibang mga TV network ay dumalo para sa kaarawan ni Carol Bunagan, ang asawa ni Michael V.

Credit: Rochelle Pangilinan Instagram

Ito ay ang ika-50 na kaarawan ni Carol Bunagan. Karamihan sa mga artista at mga kilalang personallidad na dumalo ay mula sa TV network na GMA tulad nila Arthur Solinap, Rochelle Pangilinan, at Pia Guanio.

Credit: Michael V Instagram

Dumalo din naman ang ilan sa mga kapwa komedyante at artista mula sa popular na comedy show ‘Bubble Gang’ ng GMA network tulad ni Chariz Solomon.

Credit: Rochelle Pangilinan Instagram



Makikita din naman ang ilan sa mga artista mula sa palabas na ‘Pepito Manaloto’ sa selebrasyon na ito tulad ni Mikoy Morales, Manilyn Reynes, Maureen Larrazabal, Janna Dominguez, Angel Satsumi, at madami pang iba.

Credit: Manilyn Reynes Instagram

Ang isa pang kilalang artista, komedyante, at singer na dati rin kasama ni Michael V. sa comedy show na ‘Bubble Gang’ na si Ogie Alcasid ay nakita din na dumalo sa kaarawan ni Carol Bunagan.

Credit: Manilyn Reynes Instagram

Ilan naman sa mga litrato ng selebrasyon na ito ay ipinost ng mga iba’t-ibang mga artista sa kanilang sariling mga official account sa social media website na Instagram.

Ang isang litrato na galing kay Rochelle Pangilinan na mayroong caption na “Happiest birthday again ate! @ayoito ❤️❤️❤️” ay mayroong 4,705 likes, ang post naman ng artista na si Manilyn Reynes na mayroong caption na “Happy, Happy Birthday uli, Mareng @ayoito! 😊🎂💕 #ayoiat50” ay nakakuha naman ng 1,857 likes mula sa mga netizens.



Ang isa pang litrato na ibinahagi ni Manilyn Reynes kasama naman ang kanilang kapwa aktor at komedyante na si Oggie Alcasid na mayroon namang caption na “Kumustahan with our good friend, @ogiealcasid at the party last night😊#ayoiat50” ay nakakuha ng 5,224 likes at 100 comments mula sa mga netizens ng Instagram.