Vic Sotto, sulit sa saya ang bakasyon sa Hongkong kasama ang asawa at mga anak

Mahalaga ang oras sa bawat isa. Sa trabaho, pag-aaral o maging sa pamilya. Kailangan nga naman ng quality time ng pamilya sa isa’t isa upang mas maging malapit at mas mapalalim ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya.

Paano nga kaya magkakaroon ng quality time ang bawat isa? Ang pagbabakasyon o pagkain ng sama sama o panonood ng movie ay iba’t ibang paraan para magka sapat na oras sa isa’t isa.



Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kailangan ng oras ng mga magulang sa kanilang mga anak lalo na kung nasa murang edad pa sila. Sa kanilang murang edad, ito ang panahon na dapat silang maturuan at magabayan kung kaya’t ang oras ng mga magulang ay mahalaga sa pamilya. Sila ang inaasahang maglaan ng oras para gabayan at turuan sa tamang asal ang kanilang mga anak.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kahit pa malalaki na ang mga anak, importante pa din naman ang oras. Lalo na ang oras ng mga anak para sa kanilang mga magulang. Bilang pagtanaw ng utang na loob at pagbalik sa kanilang mga sakripisy0 sa atin, nararapat lang na paglaanan pa rin ng oras ng mga anak ang kanilang mga magulang at buong pamilya.



Kapag nga naman may kani kaniyang buhay na ang bawat isa, mahirap ng mabuo ulit at magsama sama ang pamilya. Pero, pagsumikapan pa rin dapat ng pamilya na magka oras sa isa’t isa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram

Kagaya na lamang ng mga anak at pamilya ni Vic Sotto. Kahit gaano pa sila ka busy nakuha pa rin nilang mag bonding at mag sama sama sa Hongkong.

Makikita sa picture si Vic, si Pauleen ang kanyang asawa, ang kanyang 2 anak na sina Danica at Paulina. Masayang masaya nga naman ang lahat sa isa’t isa.

Credit: Marie Pauleen Luna-Sotto Instagram



Sa isang post, tinag pa nila at binanggit ang iba na wala doon. Sina Oyo Boy at Kristine, si Vico, Mark Pingris at Baby Tali. Ayon sa post, miss na miss na nila ang mga ito.

Kaya naman, paniguradong masaya ang bawat isa sa kanila at ineenjoy ang bawat oras sa Hongkong. Iyan nga naman ang pamilya, kahit gaano kapagod at kabusy, nararapat lang na maglaan ng oras ang bawat myembro ng pamilya para sa isa’t isa.