Alessandra De Rossi, ipinasilip ang kanilang closeness sa magandang bahay ng kanyang ate na si Assunta Ledesma

Isa sa mga maasahan natin sa mundong ito ay ang ating pamilya. Sila ang sandigan natin sa anumang oras. Kasama natin sila sa hirap man o sa ginhawa. Sila ang tunay nating maaasahan dahil sila ang ating kadugo at pamilyang itinalaga sa atin ng Diyos.

Credit: msderossi instagram

Siyempre, ang ating mga kapatid ay isa ding bahagi ng pamilyang ito. Bata pa lang, sila na ang instant best friend natin at kahit pa may di pagkakaunawaan ay magkakasundo din sa huli.

Mula sa paglalaro, hanggang sa paglaki, kasama nga naman natin ang ating mga kapatid. Nagiging mga partners in crime din natin sila. Kaya naman, iba talaga ang pakiramdam ng may kapatid.

Credit: msderossi instagram

Kapag ikaw ay may hindi alam na assignment ay may matatakbuhan kang ate. O kaya nama’y kung may umagrabyado sayo ay pagtatanggol ka ni kuya. O kung stre$s ka na ay makipaglaro kay bunso. Iyan nga naman ang buhay ng may kapatid.

Isa sa mga kilalang magkapatid sa showbiz industry ay sina Alessandra at Assunta De Rossi. Kilala ang mga De Rossi sisters sa kanilang angking ganda at galing sa pag-arte. Sa kanilang mga pelikula at ginanapan bilang aktres, masasabi mo nga namang magaling talaga sila.

Credit: msderossi instagram

Sa likod ng kamera, close na close din ang magkapatid na ito. Bukod sa career goal, friendship goals din ang magkapatid na ito. Talaga namang malalim din ang samahan nilang magkapatid.

Credit: assuntaledesma instagram

At hanggang ngayon, ay mas napapalawig ang kanilang relasyon sa isa’t isa. Inilarawan pa nga ni Alessandra ang bahay ng kanyang ate na si Assunta na kanyang ikalawang tahanan.

Credit: assuntaledesma instagram

“Your sister’s home is your second home, ” sambit ng post ng kanyang IG.

Ipinakita ni Alex ang bahay ng kanyang ate at ng asawa ni Assunta na si Jules Ledesma sa Bonifacio Global City, Taguig City. 15 taon na rin silang kasal at talaga namang napakaganda ng bahay na ito.

Credit: assuntaledesma instagram

Makikita din sa mga pictures ang napakagandang sala at eleganteng disenyo nito. Magkasama pa sa isang picture sina Assunta at Alex at makikita ang kanilang bonding.