Netizens, humanga ng todo sa taong nagbigay ng bagong rubber shoes sa batang naglalaro na naka-school shoes

Bahagi na ng kulturang Pinoy ang pampalakasan o ang sports. Isa ang basketball sa mga sports na talagang pinakagigiliwan ng mga Pilipino, bata man o matanda estudyante man o tambay. Kahit ano pa ang estado sa buhay, lahat nga naman ay talagang gustong gusto ang larong basketball.

Credit: Lyndon Miclat Facebook

Isang post noon ang kumalat sa isang batang lalaki na naglalaro ng basketball. Sa kanyang paglalaro, kapansin pansin nay may kakaiba sa kanyang gamit na sapatos. Imbis kasi na rubber shoes na panlaro, gamit niya ay black shows na karaniwang ginagamit kapag pumapasok ng eskwelahan.



Marami ang naawa at nais tumulong sa kanya. Tila, may isa ang isinakatuparan ang naising tumulong. Sa isang Facebook post ni Lyndon Miclat, ibinhagi niya na talagang hinanap niya ang batang ito.

Credit: Lyndon Miclat Facebook

Gumawa siya ng paraan para matunton siya at bilhan siya ng sapatos panlaro. At naibigay na nga ang sapatos na kanyang nabili, hindi lamang simpleng sapatos. Branded na sapatos at paniguradong matibay ito.

Credit: Lyndon Miclat Facebook



“Sabi ko naman sayo hahanapin kita eh. Proud ako sayo dahil kahit wala kang sapatos gustong gusto mo padin maglaro kaya mo sinuot black shoes mo. Napasaya sana kita sa munting regalo ko sayo at ayusin mo sana pag-aaral mo lalo. Dalawang araw ka naming hinanap sa social media, maraming salamat po sa lahat ng tumulong mag-hanap. Sana this time pag may sobra tayo matuto din tayong ibahagi natin sa iba. Blessings are from God. Ibalik natin sakanya. ☝️❤️,” pagbabahagi ni Lyndon.

Credit: Lyndon Miclat Facebook

Marami nga naman ang saludo kay Lyndon dahil sa busilak na puso at pagtulong. Malaking bagay ang pagsuportang ito sa ating mga batang manlalaro upang mas magpursigi sa pagaaral at paglalaro at maiwasan ang masamang bisyo.

Kaya naman, narito ang mga komento ng mga netizens ukol dito.

“Astig . god bless brother 💕💗💓 sana madami kapang matulungan . Lahat ng tulong mo sa kapwa mo tao ay babalik sayo ng madami at ang iba ay pagiging successful sa buhay 💓💗💕god bless sainyong Mag jowa hehez”

Credit: Lyndon Miclat Facebook

“Saan nabibili shades mo Kuya? Ganyan gusto kong shape and design e. Kung pwede din naman, arbor nalang. HAHAHA”

“Lahat pwedeng maging mabait, pero di lahat kayang maging mabuti! Saludo ako sayo sir 👏 alam ko marami pang taong kagaya mo ♥️

“Good Job Lyndon! I’m so proud of you. May God Bless you always. . 😊



Credit: Lyndon Miclat Facebook

“Mana sa uncle…. its better to give than to receive…. Ganyan ang mga pamangkin ko Solid sa KABAITAN….
Be bleased to be a blessings kapatid! 💛 #SharingisCaring