Gerard Pizarras at Jan Marini, ibinahagi ang sikreto sa pagiging sobrang tibay ng kanilang relasyon bilang mag-asawa

Ano nga kaya ang sikreto ng nagtatagal na relasyon o pagsasamahan? Sa tagal ng pagsasama o sa taon ng kasal, marami nga naman kayong pagdadaanan na problema at mga pagsubok na magpapatibay sa inyong samahan.

Pero sa kabila ng mga pagsubok na ito, mas mananaig pa rin ang matibay na samahan sa isa’t isa. Ngunit, hindi lahat ay nagtatagal kaya ang tanong ay kung ano nga ba ang sikreto nito?



Credit: Gerard Pizarras Instagram

Throwback muna tayo matapos mag upload ng picture ng isang showbiz personality na si Gerard Pizarras. Makikita kasi sa collage ang picture niya kasama ng kanyang asawa na si Jan Marini, showbiz personality din.

Ang unang larawan ay nakuhanan noong 18 si Jan at 21 si Gerard. Habang ang isa ay 40 na si Jan at 43 na si Gerard. Ganyan na nga naman sila katagal at talagang mas tumitibay pa ang kanilang relasyon at pamilya.

Credit: Gerard Pizarras Instagram

Unang nagkatagpo si Jan Marini at Gerard Pizarras sa set ng teleserye noon na Mula sa Puso kasama sina Claudine Barretto, Rico Yan, and Diether Ocampo.

Ayon kay Jan, marami daw talaga siyang naririnig na magagandang salita at papuri kay Gerard mula sa executive producer. Ngunit, nang dumating na siya sa set ay hindi daw nabilib si Jan lalo na’t payat daw kasi talaga si Gerard noon.



Credit: Gerard Pizarras Instagram

Pero, nakuha na rin siyang mapansin ni Jan nang magsuot si Gerard ng colored socks na intensyonal pala niyang ginawa para pansinin siya nito. Hanggang sa lumalim at nagkakilala sila ng maigi. Nagibigan sila at ngayon ay may sarili ng pamilya.

Ika nga dun sa caption nung collage ay:

“A life with Jesus”

Credit: Gerard Pizarras Instagram

Kung sikreto sa pagmamahalan at matagumpay na buhay ang pag-uusapan, ang Diyos ang sagot diyan.

Narito naman ang mga komento ng mga netizens dito:

“GOD FOREVer IS the Center of yOur marriage. GOD bless with MORe joyfUl years tOgether. StAy in GOd perfect will continually.”

Credit: Gerard Pizarras Instagram




“Wow, god bless sainyo pagssama. Hnggan sa pagtanda kyo pa rin nagmmahaln….. Napakatibay ng inyong pagmmahaln.”

“this couple are meant for each other. just imagine since 18 lang si jan marini ay sila na until now. thats how we call ,”FOREVER” congrats sa inyo 2.”

“Oo naman,meron pa rin niyan,basta pareho kayo ngmamahalan at ngpapahalaga sa bawat isa.Hindi pwedeng iisa lang!!!

Source: Kami