Buboy Villar, sobrang enjoy sa buhay pamilya kasama ang kanyang napakagandang asawa at cute na baby

Sa mundo ng showbiz, mabilis nga lang talagang lumipas ang panahon. Maaaring ngayon ay nasa rurok ka ng iyong karera, matapos nito’y baka mayroon ka munang ibang prayoridad kagaya na lamang ng buhay pag-ibig o ang pagbuo ng sariling pamilya.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram

Kahit ano pa man, wala namang masama sa mga ganitong klase ng prayoridad. Ang mahalaga’y alam ang limitasyon at dapat gawin sa mga prayoridad natin sa buhay.



Credit: Buboy Jr Villar Instagram

Kagaya na lamang ng artistang ito na gumanap bilang Manny Pacquiao sa biopic movie Kid Kulafu. Lumabas din siya sa teleseryeng Dyesebel noong2008.

Maging sa mga pelikula na pinagbibidahan ng mga malalaking pangalan sa showbiz ay gumanap at naging bahagi siya sa Supahpapalicious , Shake, RattIe & RollX , Ang Panday , at Pinoy dramas na Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.Walang iba kundi si Buboy Villar.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram

At noong 2016, nagsama na sila ng kanyang American partner ngayon na bumihag sa kanyang puso na si Angillyn Gorens sa permiso ng kanilang mga magulang.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram

Noong nakaraang taon, nabigla ang nga netizens sa kanilang rebelasyon. Nabiyayaan naman sila ng malusog na baby girl na si Vlanz Karollyn.



Credit: Buboy Jr Villar Instagram

“Kahit ilang araw na akong puyat bastat nandyan ako palagi sa tabi nyo nang mama mo baby sobrang thank you po lord sa new chapter nang aming buhay maraming salamat sa blessing po at sa mga nag pray.” sambit ni Buboy.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram

Makikita talaga naman dito kung gaano niya kamahal ang kanyang anak. Mapalad si baby dahil mayroon siyang mapagmahal na mga magulang.

Samantala, noong nakaraang taon naman ay nabinyagan na siya.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram

“Welcome to the Christian world, anak! We love you! This dress is 32 years old. Made by my grandma “Gloria” worn by my oldest sister “Cherillyn” now worn by her great-granddaughter” Vlanz Karollyn” still keeping the dress,” sambit ni Angillyn.

Credit: Buboy Jr Villar Instagram



“Planado na po lahat ng magiging buhay namin. May sarili na kaming bahay at may negosyo kaming sisimulan next year na isang bakery. Kaya wala kaming dapat na pagsisihan na hindi namin na-enjoy ang pagiging teenager namin.” dagdag pa ni Buboy.

 

View this post on Instagram

 

Ang Sarap Mabuhay iloveyousomuch anak ko! ikaw talaga lakas ko baby ko 😊💞💞💞

A post shared by Buboy Jr Villar (@buboyvillar) on


Ano pa nga naman ang hahanapin ni Baby Vlanz? Nasa mabuti siyang kamay dahil sa sipag at pagmamahal na mayroon si Buboy at Angillyn para sa kanilang baby.