Yeng Constantino, sweet na sweet ang bakasyon sa Siargao kasama ang kanyang asawa

Sa ating mundo na punong puno ng kabalisahan, nararapat lang na bigyan natin ang ating mga sarili ng oras para magpahinga at maglibang.

Malaking porsyento ng ating oras ay nagugugol sa trabaho o sa eskwelahan. Wala namang masama dito. Kung tutuusin, dapat lamang na maging prayoridad natin anf edukasyon o karera sa buhay. Ngunit, kung ito na lamang ang ating ginagawa o puro na lamang natin dito nilalaan ang oras, hindi ba’t mas madali tayong mapagod?



Credit: Yeng Constantino Instagram

Kung kaya’t mahalaga na bigyan natin ang ating mga sarili ng oras para magpahinga, maglibang at magsaya. Maaaring ito ay gawin mo ito ng mag-isa o kasama ng mga mahal sa buhay kagaya ng iyong pamilya o barkada. Ang mahalaga’y alam nating balansihin ang ating oras at wag bugbugin ang sarili sa pagod at stress sa trabaho.

Credit: Yeng Constantino Instagram

Sabi nga nila, kailangan ng ating kalusugan ang sapat na oras ng pahinga para mas maging epektibo tayo sa ating mga gagawin. Sabi nga, take a break.

Credit: Yeng Constantino Instagram

Lalo na sa industriya ng showbiz na talaga namang nakakapagod ang maging celebrity, singer, actor o dancer. Kaya, dapat lang din na sila ay magpahinga at magsaya. Maaaring pagbabakasyon ang isa sa mga pwedeng gawin.

Credit: Yeng Constantino Instagram



Kaya, ang singer at Tawag ng Tanghalan judge na si Yeng Constantino ay nagbakasyon din kasama ng kanyang asawa na si Yan Asuncion sa Siargao.

Credit: Yeng Constantino Instagram

Talaga namang nag enjoy silang mag-asawa dito at bawat moments na sila ay magkasama ay talagang treasured at hindi nila malilimutan.

Credit: Yeng Constantino Instagram

Sa mga post ni Yeng sa IG, makikita mo sa kanilang mga ngiti at mga larawan ang saya at malayong malayo sa stre$s at kabalisahan ng kanilang mga industriyang ginagalawan.

Credit: Yeng Constantino Instagram

Nasubukan din nilang mag surf dahil talagang isa ito sa mga lugar na pang surfing talaga. Napakasaya nga namang sumubok ng mga bagong bagay kasama ang pinakamamahal mo.



Nararapat lamang ang mga ganitong bonding. Bilang mag-asawa, isa ito sa mga epektibong paraan para mas lumalalim at tumibay ang samahan, ang magkaroon ng quality time sa isa’t isa.