Alfred Vargas, sobra ang pasasalamat sa kanyang asawa dahil sa buong suporta nito sa kanyang pagkapanalo muli sa pulitika

Magiging mabunga nga naman ang dalawang taong nagmamahalan kung tunay at tamang pag-ibig ang umiiral sa kanila. Mahalaga nga naman na biglang mag-asawa, dapat manguna ang matibay na pundasyon ng samahan at pagmamahalan upang mas mapatibay at mapalalim ang pag-iibigan.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Sa anumang oras ng kagipitan o kaginhawaan, nararapat lamang na ang mag-asawa ang nagdadamayan. Walang pinipiling oras o panahon ang pag-ibig. Anuman ang pinagdadaanan ng bawat isa, dapat lang na samahan at magtulungan para palakasin ang bawat isa.



Credit: Alfred Vargas Instagram

Kagaya na lamang ng mag asawang Alfred at Yasmine Vargas. Pinatunayan ng mag-asawang ito na sa kahit anumang panahon ay nandoon sila sa isa’t isa at magkasama.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Narito ang post ni Alfred Vargas:

“Amore ko @yasmine_vargas2307 , without you solidly and firmly beside me, it would be impossible for me to be half the man I am today. As I begin my third term as Representative, I cannot help but feel so grateful that God gave me you. You were there from the start since artista at councilor pa lang ako.

Credit: Alfred Vargas Instagram



Sinuportahan mo ako all the way kahit mahirap on your part at maraming challenges. Gusto kong malaman mo na ikaw ang lakas at inspirasyon ko araw-araw. Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sayo.”

Credit: Alfred Vargas Instagram

“Thanks dahil sinamahan mo ako sa lahat ng laban ko. Thank you dahil pinapalaki mo nang mabuti at maayos ang mga anak natin. Thank you dahil maayos palagi ang bahay pag-uwi ko. Thank you dahil patient at understanding ka sa akin.

Credit: Alfred Vargas Instagram

Thank you binigyan mo ako ng 2 girls and a baby boy at tinupad mo ang pangarap kong magkaroon ng maganda at maayos na pamilya. Marami pang challenges ang darating sa buhay natin. Hindi ako natatakot harapin kahit ano pa ang mga ito dahil ikaw ang kasama ko. Ang sarap mabuhay dahil sayo. At gagawin ko lahat para sayo. Mahal na mahal kita, Amore ko. Thank you sa lahat ❤️ #vargasnapagibig

Credit: Alfred Vargas Instagram



Todo nga naman ang pasasalamat ni Alfred sa asawa dahil sa suporta na ibinibigay niya mula sa showbiz hanggang sa pulitika. Napaka supportive talaga ni Yasmin sa kanyang asawa at walang laban si Alfred na wala siya. Iba nga naman talaga ang nagagawa ng pagmamahal sa atin.