Kitchie Nadal, ang napakagaling na singer na hinangaan natin noon, masayang masaya kasama ang kanyang pamilya ngayon sa Spain

“Ohhhhh. Wag na wag mong sasabihin Na hindi mo nadama itong Pag-ibig kong handang ibigay kahit pa kalayaan mo. At sa gabi Sinong duduyan sayo At sa umaga Ang hangin na hahaplos sayo.”

Credit: Kitchie Nadal Instagram

Sino ba ang hindi nakakaalam ng awiting ito? Kahit lumipas pa ang mga taon, hanggang ngayon ay alam na alam pa rin ito. Lalo na ngayon, halos lahat na yata ng kanta ay mga hugot songs na. Swak na swak talaga ang kantang ito sa mga hugot natin.



Credit: Kitchie Nadal Instagram

Pero, kilala mo ba kung sino ang orihinal na umawit ng kantang ito? Siya ay si Kitchie Nadal. Napakagaling nga naman talaga niyang mang-aawit at hanggang ngayon ay patok na patok pa rin siya sa mga Pinoy.


Ngayon, siya ay masayang masaya na sa Spain kasama ang kanyang pamilya. Siya ay ikinasal kay Carlos Lopez, isang Spanish journalist. Ikinasal sila noong February 26, 2015.



Credit: Kitchie Nadal Instagram

Alam niyo bang napakasimple lang talaga ni Kitchie sa kanyang kasal. Sa araw kasi ng kanyang kasal ay nagsuot siya ng wedding gown na nagkakahalaga ng P799 pesos. Hindi ba’t napakasimple lamang nila. Wala naman sa halaga ng isusuot o sa garbo ng seremonyas ang kasal. Mas mahalaga na mahal niyo ang isa’t isa at kasama mo siya sa hirap at ginhawa.

Credit: Kitchie Nadal Instagram

Hanggang sa unti unti na silang nakabuo ng pamilya sa Spain. Noong March 2017, inanunsyo ni Kitchie na siya ay buntis sa kanilang panganay na anak. At noong August 3, 2017 dumating sa kanilang buhay si Baby Keon.

Credit: Kitchie Nadal Instagram

Siyempre, mas lumawig ang kanilang pamilya at mas lumalim ang kanilang pag-iibigan bilang mag asawa. Wala na nga namang mas titibay pa sa samahang ito dahil sila ay pinag-iisa ng malalim na pundasyon ng pag-ibig.

Credit: Kitchie Nadal Instagram

Napakasaya nga naman ng kanyang pamilya at ni Kitchie. Talagang fulfilled na fulfilled ang kanilang mga goals sa buhay lalo na sa kanyang pamilya.

Credit: Kitchie Nadal Instagram



Kahit gaano man kahugot ang kanyang mga awitin, ang kanyang personal na buhay ay hindi naman puro hugot dahil masaya siya sa kanyang asawa at pamilya. Paniguradong ito ang tunay na forever.