Palengke sa Bataan, patok sa mga Netizens dahil sa ganda at linis nito na parang nasa mall

Bahagi na ng ating kultura at pang araw-araw na buhay ang mga pampublikong pamilihan o palengke. Dito tayo bumibili ng ating kinakain sa araw-araw, mula sa ating ulam, meryenda, almusal, tanghalian at hapunan.

Ano nga ba ang nasa utak natin pag sinabing palengke? Maingay, magulo, at maputik ang bubungad sayo kapag palengke kaya naman ang iba’y mas pinipili na lang mamili sa mga supermarket. Pero, sabi nga nila mas sariwa at iba pa din ang sa palengke. Pero paano kung mukhang mall o supermarket ang palengke ninyo?



Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook

Paniguradong mas mageenjoy kang mamili ng inyong mga kakainin dahil sa napakagandang palengkeng ito. Mapapa wow ka na lang sa post ni Mark Anthony Muico Millare dahil ibinida niya sa social media ang bagong gawa at bagong bukas na Limay Public Market sa Bataan.

Hindi mall kundi palengke ito. Mukha nga namang mall sa kalinisan at sa napakagandang disenyo. Masasabi mo na lamang na isang palengke ito dahil sa nga tiles na gagamitin para sa mga isda na ititinda.

Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook

Maging ang mga ilaw at sahig ay napakagarbo ng disenyo. Kaya nakakabiglang malaman talaga na palengke ito.

Pinaplano din na magkaroon ito ng food court na kung saan pwede bumili ng pagkain ang mga namimili sa palengke. Hindi ba’t napakaganda talaga ng plano ng palengkeng ito.

Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook




Kaya naman, hindi maiwasan ng mga netizens na mamangha at mainggit sa kanilang nakita. Marami sa kanila ang gustong magkaroon din ng ganitong klase ng palengke. Narito ang kanilang mga komento:

“May ganyan ding palengke sa bukidnon.. nkalimutan ko lng iyong lugar na nai feature din dito sa fb.
Sana nga lahat ng public market ay ganyan o halos ganyan din. Malinis maayos mbango tignan”

Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook

“Sana dine din sa Daraga,Albay,ala mall looking public market,lahat ng market section mabango at malinis,hindi mabaho ang fish section,hindi maalingasaw na public CR,E di wow Philippines di ba mga kapamilya at kapuso?”

“sana,maging ganito sa amin…hindi lahat nang kanal, basurahan..kalat doon,kalat dito..marami pa namumugad na ipis at daga!!!kung tutuusin..pagkaarte arte natin sa pagkain…pero punta ka sa palengke….doon tayo namimili nang makakain…pero bat ganun?”

Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook




“dapat naman talaga lahat ng public market malinis at maayos para hindi pamahayan ng bacteria ang mga paninda nila.”

Credit: Mark Anthony Muico Millare Facebook