Pokwang, sinurpresa ang kanyang anak ng pinapangarap nyang sasakyan ngunit naging iba ang kinalabasan

Lahat tayo ay may mga pangarap o mga wishes na nais makamit sa buhay. Kadalasan, ang mga ito ay sinasabi natin sa ating mga magulang. Nagbabakasakaling maibigay nila ito sa atin.

Noong bata tayo, paniguradong iyan ay laruan, sapatos, damit o bagong bag. Mga simpleng bagay na nagpapasaya sa atin. Paniguradong makikita ang mga malalaking ngiti dahil sa mga bagay na ito. Na sigurado namang binibigay ng ating mga magulang sa atin para tayo ay mapasaya.

Credit: Mae Subong Instagram




Pero habang tayo ay tumatanda, hindi na lamang laruan o kung ano ang mga naisin natin. Syempre, sa ating paglaki nagiiba na rin ang ating mga gusto.

Kagaya na lamang ng anak ng komedyanteng si Pokwang. Matagal na daw kasi talagang pangarap ng kanyang panganay ang magkaroon ng 4 x 4 jeep. Gustong gusto niya talaga ito kaya naman paniguradong rinerequest nya ito sa kanyang mommy.

Credit: Mae Subong Instagram

Hanggang isang araw, ginising niya ang kanyang anak sa pagtulog at sinabing nandoon na sa labas ang kanyang matagal ng pangarap na jeep 4 x 4. Sino ba ang hindi magagandahan ang gising dito?

Kaya naman laking tuwa ng kanyang panganay at dali daling lumabas ng bahay para tignan ang sorpresa ng kanyang magulang.

Credit: itspokwang27 instagram

Sa kanyang paglabas, mas nabigla ang kanyang panganay sa nakita.

“Sinira niya yung tulog ko para dito,” sambit ng kanyang anak.

Credit: itspokwang27 instagram

Nasira lamang daw ang kanyang tulog dahil isang laruan lamang na 4 x 4 jeep ang nasa labas. Hindi pala ito ang aktwal na jeep kundi isa lamang itong prank sa kanya.



“O ayan na anak ha lahat gagawin ko matupad lang pangarap mo kasi mahal na mahal kita,” sambit ni Pokwang.


Marami namang mga netizens ang natuwa sa ginawang prank ni Pokwang. Paniguradong lambing lamang ito ni Pokwang sa anak na nagpasaya naman sa mga netizens.

Tuwang tuwa ang mga netizens dito dahil hindi nga naman talaga akalain ng anak na isang laruan na 4 x 4 ang inihanda ng kanyang inang si Pokwang.

Credit: Mae Subong Instagram




Pero sa kabila nito, hindi man naibigay ni Pokwang ang gusto ng anak, ibinibigay naman niya ang pangangailangan at ang masarap na buhay sa anak na siya namang mas mahalaga.

Isa pa, kahit ano mang klaseng materyal na bagay ay hindi naman matutumbasan ng pagmamahal na ibinibigay ni Pokwang sa kanyang mga anak.