Anak, nagpanggap na waiter sa isang fast-food chain para surpresahin ang kanyang mga magulang na di nya nakita ng limang taon

Nagsisilbing sandigan ng ating mga buhay ang ating mga magulang. Sila ang itinalaga ng Panginoon sa ating mga buhay, bilang mga gabay at kaagapay natin mula pagkabata hanggang sa makabuo na tayo ng sariling pamilya. Kaya naman, nararapat lang na parangalan sila at bigyang pasasalamat sa ating buhay.

Credit: John Tingcang Casping Facebook

Usap usapan ngayon ang post ni John Tingcang Casping mula Pagadian City. Ibinahagi niya sa social media kung paano niya pinasaya ang kanyang mga magulang matapos niya silang hindi makita sa loob ng 5 taon.

Credit: John Tingcang Casping Facebook



Para mapasaya ang kanyang mga magulang, nagpanggap siyang waiter ng isang fast-food chain at sinorpresa ang kanyang mga magulang.

Credit: John Tingcang Casping Facebook

“Dahil 5 years ko nang hindi ko na nakikita ang aking mga magulang at dahil miss na miss ko na sila idinaan ko sa isang sorpresa kaya nagpapanggap akong isang waiter sa isang kilalang food chain sa#PAGADIANCITY#SURPRISEVISIT#ILOVEMYPARENTS salamat kay Mae Laurejo at kay nel para maisakatuparan ko ang lahat ng ito,” sambit ng kabuuan ng kanyang post.

Credit: John Tingcang Casping Facebook



Tanda lamang ito ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa kanyang mga magulang na bumuhay at nagbigay kulay sa kanyang mundo.

Kaya maging mga netizens ay humanga at todo pasasalamat din sila sa kanilang mga magulang,

“Wow kuya ang galing mo naman na anak hinde mo kinahiya mama at papa sa nrting mo ngayon iba dyan kuya wala hinde man lang kmstahin mama at papa nila ikaw salodo ako kaya”

“Parang sa$ab0g ang aking dibdib nakaka touch talaga ang ginagawa nya sa parents nya… God Bless nalang syo mabuhay ka… isa kang huwarang anak…”

“Wow naiyak ako subra kuya sana marami pang mga tao ganito sa mga magulang kaiyak talaga proud ako sa ginawa kahit kunting bagay nagagawa mong surprise mga magulang”

“Tulo agad luha ko ahaka oi layo pako uli pinas advance dayon si luha ba???happy ka ayo si nanay og tatay o bonding time 2019 uwi ko loa lolo at isa pang lolo sa Zamboanga Sibugay namatay nlang diko tlaga napontahan ma iiyak ka sa ganitong bagay ????????

“Ang pogi nman,wow!at ang bait pa,tama yan ganyan nga dpat kc ang magulang ang nagbigay satin ng buhay,pasayahin natin cila at mahalin,kung pwde lng natin tumbasan lahat ng ginawa ng mga magulang natin para satin eh,kaso parang ang hirap noon pantayan,kaya mahalin nlng natin cila sa paraan na alam natin kung paano natin cila mapapasaya at masusuklian bilang anak nila,godblz po sa inyo,mahal n mahal ko din mga magulang ko,kaya naantig ako sa kwento at vedio?????