Alden Richards, ipinasyal ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN at sinalubong din ng ilan sa mga Executives doon

Sa Pinoy showbiz industry, lagi nga namang nagtutunggalian sa ratings, sa mga artista at mga programa ang dalawang naglalakihang TV network na GMA at ABS CBN. Kung kaya’t matagal ng pinagtatalunan ninuman ang tanong kung sino ba ang mas mataas ang rating sa kanila.

Credit: @itsmeAmber719 twitter

Network competition kung tawagin ang mga ganito, kaya naman marami sa nga showbiz personalities ang naka kontrata sa kanilang mga kanya kanyang network. At nakakapanibagong tignan kung magagawi ang isang artista sa kabilang network.

Credit: Alden Richards Instagram



Kagaya na lamang ng Pambansang Bae ng GMA7 na si Alden Richards. Kalat ngayon sa social media ang kanyang pagpunta sa ABS CBN para sa pag promote ng kaniyang pelikula kasama si Kathryn Bernardo sa ilalim ng Star Cinema na “Hello Love Goodbye”.

Credit: @itsmeAmber719 twitter

Talaga namang lubos ang pag welcome kay Alden dahil todo entertain at napaka hospitable nga naman ng ABSCBN sa kanya.

Maging mga executives ng ABSCBN at Star Cinema ang sumalubong sa kanya na sina
Star Cinema managing director Olivia M. Lamasan, ABS-CBN president CEO Carlo Katigbak, atABS-CBN chairman Mark Lopez.

Credit: @itsmeAmber719 twitter

“Medyo surreal na nandito ako ngayon. Nandito kami ni Kath to shoot mga video plugs and yung mga digital shoot,” sambit ni Alden.

Masaya din naman si Alden sa kanyang pagpunta sa Kapamilya network at todo assist din si Kath sa kanyang bisita na si Alden at sa kanyang team.

Maging mga netizens ay may halo halong reaksiyon ukol dito:

“Walang masama ,Okay ang ganyang treat
sa mga artists welcome dapat lahat at respeto sa bawat isa”

Credit: Alden Richards Instagram



“Naku sunud nyan lilipat n yn sa abs cbn aq sau alden lumipat kna sa kapamilya marami girl na bbgay sau s mga teleserye lalo cckat k paglumipat ka sa abs cbn”

“Mamemeet n nya ang mga sikat at tunay n mga hearthtrob sa abs cbn, hindi gaya sa kabila puro mga starlet ?peace yow”

“kahit namN artista ng abs eh..wi ne welcome din nila.hindi naman siya lilipat eh aanhin pa eh magsasarana..isip isip din pg may time..may movie cla ni kath kaya supportahan clang dalawa..hindi naman kc pingdadamot yung artista nila sa gma kc kapuso nga eh..kaya may puso cla.eh bakit pa siya lilipat eh..ang dami dami nangang pro.sa gma.loyal yan c alden..”

Credit: Alden Richards Instagram

“Normal lang po yan..kc may pelikula sila ni kat na ginawa…bumisita lang lilipat na agad…c bossing bumisita barin jan sa abs cbn nung gumawa sila pelikula ni dolphy…mga tao talaga…regular cxa sa eat bulaga??



“hindi lilipat yan kasi may contrata pa. binigyan lang abscbn. pilikula kasi doon sa kabila walang kwenta gumawa ng pilikula. hangang pilikula langyan atleast sumikat dahil sa abscbn.”